Ipinaskil ni: ahkong | Oktubre 10, 2009

TY Lord…they are safe

Naka kontak din ako kay labidabi ko, mga 7am sa pinas, dito naman 3am, (uu napuyat ako dahil hindi ako mapakali).

Safe naman daw sila at ang binaha yung mababang part ng bayan ng Bayambang. Kahit daw mataas ang tubig, hindi naman sila pinasok sa loob ng bahay dahil yung lugar namin eh mataas na parte na.

Buti na lang pala, a few months back, naisipan nilang lumipat ng bahay. Dahil masyadong mataas ang rent, (nangungupahan pa rin kami kasi hindi pa tapos ang haybols na pinapagawa namin ala ng budget meal), yung lumang bahay na inuupahan daw namin dati eh lumubog ang 1st floor. Kung nagkataon palang nandun pa sila siguradong lubog sil

Yung mga kaibigan namin sa amin daw nila ipinarada muna yung mga motor nila. Kaya hayun kala mo raw talyer ng motor ngayon yung aming garahe…..parang dealer na kami ng sari-saring mga motor…LOLs

Higit sa lahat nagpapasalamat talaga ako at walang nangyari sa kanila. Makakatulog na ako ng mahimbing na parang bagong silang na sanggol na walang kamuwang muwang sa mundo. Parang isang taong walang bahid ng kasamaan sa kaluluwa……yun ang akala ko !!!!

Dahil sa sobrang stress ako kagabi sumakit yung ngipin kong may butas. Nakngpotek na yan, hindi ako pinatulog ng bwsit na ngipin ko……hwaaaaahhhh !!!!


Responses

  1. buti na lang kuya at mataas ung nalipatan nila..

    si bf inabot sila hanggang loob ng bahay..sabi nya hanggang dibdib daw buti na lang may second floor sila..kaya ayun..safe..

    glad to know..nakahinga ka rin ..hehe..
    pabunot mo na yan..kuya..

  2. uu nga sis, worried na worried ako. ganun pala pakiramdam. ngayon lang nangyari sa akin yon.

    pero thank God at safe sila. buti na lang naisipan nilang lumipat nga haybols.

    saka peace na kami….yahoooo !!!!

    honga. pupunta ako sa dentist next week. naka sched na ako. potek na ngipin ito. wala naman kasing sira ito eh napatripan nung nag pa-medical ako papunta dito sa ME. may butas daw sabi nung dentist dun sa medical hayun, pinalaki tapos nilagyan ng pasta na natanggal agad. sabagay hindi na ako bumalik nun kasi wala akong pambayad eh sabi ko na lang babalik ako..eto ngayon ang nangyari sumasakit…na karma ako…LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: