Ipinaskil ni: ahkong | Oktubre 11, 2009

Palibhasa Lalaki

Binisita ko yung prenster akawnt ng aking klasmate sa kalokohan. Meron siyang mga pinost na picture nung kami eh nasa elementarya pa lang.

Itong aking bespren na ito eh kasa-kasama ko mula elementary hanggang high school. Nung mag college na kami nawala na ang aming kontak, nagkita lang kami ulit after 20 years nung nag reunion ang aming batch nung High School. (Tagal ‘no?) Yung reunion nga namin akala mo Iskul Bukol 20 years after eh…ang gugulo at ang kukulit pa rin akala mo mga hindi nagsitanda….LOLs

Si Tenga kung tawagin namin kasi ang tenga niya akala mo radar ng airport sa laki…LOLs. Naalala ko rin na sa  kanya ako bumili noon nga alagang rabbit na 2 weeks lang yata nabuhay sa akin dahil nakagat ng pulang langgam ang potek at namatay bigla. (Masama palang makakagat ng langgam ang mga rabbit…..napapraning.)

Nung nakita ko itong ipinost niyang pektyur, tawa ako ng tawa……

Pero teka muna, pers op ol eh, wala ako sa pektyur na ito. Ito eh nasa hindi ko sure kung anong grade kami pero christmas party yata ito. Hindi ko na naaalala kung anong raket ito, pero alam kong mga klasmate ko mga ito. Kasikatan pa ng Hagibis itong mga panahon na ito. Nung makita ko ko ito bigla kong naalala yung mga kanta ng Hagibis saka yung palabas sa channel 2 na Palibhasa Lalaki kasi ang theme song nun yung kantang “Katawan”.

Mga batang high sa ipinagbabawal na utot….heto tingnan ninyo….ang Hagibis bulilit bersyon !!!!  

2_856671951l

From left to right : 1) Si Paul, kalimutan ko na apelyido….hindi ko maisip kung pulis ba siya o sundalo ng Vietcong ang outfit niya, may suot pang ID yata yun…LOLs 2) Hindi ko na matandaan pangalan nito, pero mukha siyang NPA na magsasaka….LOLs. 3) Fortunato, eto kilala ko pa ito, dahil klasmate ko to mula elementary hanggang High School, taena naka shades pa saka gloves, di ko malaman kung anong raket nito, parang tambay sa kanto o drug dealer ang porma…. merong pang silbato…LOLs. 4) eto si Tenga, kitang kita naman eh, LOLs naghati pa sila ng gloves ni Fortunato…..para meron lang mai props….LOLs

Meron din siyang ipinost na mga class pictures, wala na akong mga kopya nun kaya ni copy ko agad. Nakita ko yung kras ko nung elementary….ahihihihih ang agang lumandi…LOLs Saka yung aking mabait na teacher/adviser. Oo mabait yung adviser namin hindi kami pinababayaan katunayan nga lagi akong pinapatayo eh, sa may likuran pag nagka klase…LOLs.


Responses

  1. di ko makita ung picture..naman..

  2. haha tawa ako ng tawa sa post na to hehe..

    ang kulet kras ko na rin ata si tenga haha..
    ung iba post mo kuya..lalo na nung nandun ka..dali na.,.

    • sige iipunin ko muna yung mga kanais nais tinganan…LOLs

      basta ipost ko. iisipin ko muna mga event ng mga nasa pics….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: