Ipinaskil ni: ahkong | Oktubre 21, 2009

Ang Credit Card at ang Kape

Ilang araw din pala akong hindi nakapag post.

Paano naman kasi, may ibinigay sa aking mga Credit Card Receipt ng isang branch namin kasi may nawawalang halaga hindi nila makita. At sa kasawiang palad eh sa akin ibinigay yung mga Credit Card para i-tally ko sa machine report.

Anak ng teteng na yan hindi bale kung isang buwan lang kaso 3 months na resibo yung ibinigay sa akin. Ayun nga kailangang mai tally ko yung resibo sa report, eh ang isang araw ilang credit cards yun…diyosnamahabagin!!!

So sinimulan ko na, tinanggal ko sa pagkaka-stapler at inihiwalay ko…oo nga pala ang credit card machine namin eh dalawa so, dalawang set yun isang araw….at ise-segrigate ko na bawat araw at bawat machine….

Eto matindi sa lahat na nagpaguho ng araw ko….hindi pala ganun ang gusto ng lintek ng manager na ito…ang gusto niya bawat machine report na isang araw eh isama-sama ko lahat yung corresponding na resibo…toinks nagkamali ako ng intindi…ayn inulit ko at nahilo ako dahil nung tinatanggal ko sa pagkaka stapler eh napag halo-halo ko yung dates…..huwaaahhhh

Kaya hayun pinag tyagaan kong isa-isahin na naman….at medyo umiinit ang ulo ko dahil yung iba kong regular na dapat gawin eh nape-pending…..heto ang nagpakawala ng init ng ulo ko…..tanong ba naman sa akin ng bosbosan kung tapos na yung sa credit card, (take note..ibinigay niya sa akin ng hapon na at ilang oras ko pa lang nagagawa)…sabi ko hindi pa……….tanong sa akin bakit daw??!!!!

P&*(%##!$^Na!!!! ano palagay nito sa akin robot…..sabi ko sa kanya bigyan niya ako ng 3 days matatapos ko yang credit cards.

Nung medyo nakaramdam ako ng libog..este…pagod…naisipan kong mag kape. Nagsalang ako ng tubig dun sa electric pot para mapakuluan….balik ako sa trabaho. Anakngpatingnaduling pagtingin ko dun sa ininit kong tubig ubos na dahil ginamit ng iba kong kasamahan, hindi man lang nilagyan ulit….bwisit na buhay yan oh, pati ba naman pagkakape eh lugi pa rin ako….hayun naglagay ulit ako ng tubig at binantayan ko na, mahirap na….taena pag may gumalaw ng tubig ko bubuhusan ko ng kumukulong kape sa mukha!!!!

Tatlong araw nga0 bago ko natapos ang linsyak na credit card yan.

Kaya heto ngayon si BK, papetiks-petiks na lang dahil wala na naman akong magawa. Ang trabaho ko eh natapos ko ng lahat…….nyahhh…ha..ha..ha..ha..ha…


Responses

  1. hehe..lagi ka na lang nabibigyan ng assignment ata kuya na di mo naman trabaho hehe..
    bait mo pa rin kasi ginagawa mo hehe..
    so all around ka pala jan hehe..

    langya nga ung mga kasama mo jan..
    titigas ng mukha nawala ka lang pinag diskitahan na ung pinakulo mo hehe..
    high blood..

  2. talagang nakaka high blood…potek na yan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: