Ipinaskil ni: ahkong | Oktubre 25, 2009

Coleslaw

Kagabi naginit ako ng mga tirs-tirs na pagkain galing sa ref. Madami din pala akong mga tirs-tirs na kailangan kong maubos bago pa masira. Sayang naman kung itatapon ko lang pwede pa naman kainin.

Bumili kasi ako ng isang kilong baka, nung last week naisipan kong magluto ng sinigang, bumili ako ng repolyo. Eh walang maliit, kaya na pabili ako ng isang piraso pero hals 2 kilos ang timbang. Sabagay 4 riyals lang naman pero naiisip ko saan ko naman gagamitin yung sosobra?

So niluto ko na yung sinigang, isinalang ko na po….anakngteteng na yan, hindi ko alam kung anong klaseng karne ng baka ito, halos magda-dalawang oras na matigas pa rin…..naisip ko nga baka hindi beef ito, baka karne ng Bangladeshi ito…sobrang kunat….

Nung medyo ok na, dahil na rin sa gutom ko eh pinagtyagaan ko na lang ngatain, kaya pa naman ng ngipin eh.

Last Friday naman, dahil may natitira pa akong beef sa ref, maaga pa lang isinalang ko na…..almost 3 hrs kong pinakuluan ang potek…hayun lumambot naman sa awa ni Lord…LOLs Nilaga ko naman yung ibang karne at nagamit ko ulit yung repolyo na nabili ko.

Kaya hayun may tirs-tirs pa akong nilaga saka sinigang na karne sa ref ng mapansin ko marami pa rin yung natitirang repolyo sayang naman baka mabulok na. Medyo nangingitim na nga yung pinagtabasan ko eh.

Tiningnan ko laman nga ref ko……may meyo,merong mga sibuyas bumbay, (hindi ko alam kung bakit sibuyas bumbay tawag dun, baka sa amoy..LOLs) – ayus kako, pwede kong gawing Coleslaw yung ibang repolyo….carrots na lang ang kulang…..so bumili ako ng dalawang pirasong carrots.

Humiwa ulit ako ng part nung cabbage, (nasa kalahati pa kaya), ginayat ko na pati na rin yung carrots, nag hiwa rin ako ng sibuyas, masarap din may sibuyas eh pampa li………linis ng konsensya…LOLs, ok na nilagay ko sa isang bowl at binuhos ko na yung meyo tapos nilagyan ko ng paminta…mix-mix na silang lahat dun….ayus…tikim….parang may kulang…..

naispatan ko yung cheese spread….nilagyan ko rin nun…..huwaw tsarap….nung matapos ko ng ipaghalohalo lahat…………….nilafang ko na po ang aking Coleslaw de Taranta…..

Kaya heto ngayon ako, masakit ang tyan at hindi ko mawari kung anong nangyari…..(baka panis na yung meyo o yung cheese…..)


Responses

  1. hehe..ok na eh ok na ung coleslaw hehe..
    nag ka aberya pa hehe..

    ilabas mo na yan kuya ng di maging mabaho ang hangin jan sa loob ng kwarto mo hehe..:))

  2. hahaha

    charge it to experience bossing!

  3. @lovely – uu nga sarap na sarap pa naman ako sa pagkain wid matching showmanship pa…..mga ilang minuto pagkatapos kong lumafang eh nag alburoto yung mga bulate ko sa tyan….LOLs

    hanggang nga yon nga medyo nag e-ebs pa rin ako…..hwuuaahhhhh….

    @denz – hindi na ako gagawa ng coleslaw….hindi na ako gagawa ng coleslaw na kulang sa rekados….LOls may kulang eh….kaya siguro ako nag jebs…..

    kulang ng side dish yung broasted chicken….(parang balistad yata?!!) hwuwaw…umarangkada na naman ang katakawan ko….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: