Ipinaskil ni: ahkong | Oktubre 28, 2009

Si Dok Aga

Sa istarbaraks sa gitna ng kumukulong disyerto napansin ni Ah’Kong si Boy Kulangot na malalim ang iniisip….tapos parang balisa.

Ah’Kong : “BK…..ikaw tamlay….ikaw ba may sakit??? Para ikaw lapit na patay ka na sana???!! LOLs”

BK: ” Ah’Kong wag ka nga ganyan…..baka tagain kita ng blade….!!!”

Ah’Kong : “Bakit nga ikaw lungkot….ano iyo problema???”

BK : “Naiisip ko lang kasi yung si dok nung huling magpa-check up ako nung last vacation ko…”

Ah’Kong : “Bakit gandabae ba dok??? Laki ba hinahalap…??? ahihihihihihi”

BK : “Taenaka Ah’Kong…umandar na naman yang kamanyakan mo….!!! Lalaki yon….!!!” Tawag ko nga sa kanya Dok Aga

Ah’Kong : “uhummm…..muka ikaw ladlad na iyo palda…ahihihihihi”

BK : “Sira pala talaga ulo mo eh…..hindi mo ba alam na hindi naman kami nagkakalayo ni Aga Muhlach……(sa edad)

Ah’Kong : “O eh…ano nga sabi iyo Dok Aga…bakit ikaw isip dyan…??”

BK : “Kasi ang galing nya…napa hangga ako…”

Ah’Kong : “Paano siya galing gamot…?”

BK : “Ganito kasi yan….nung makaramdam ako ng sakit sa tuhod ko…pumunta ako sa kanya para magpa check-up, pag dating ko sa clinic nya sinabi ko yung nararamdaman ko. May binigay siya sa aking maliit na bote…umihi daw ako dun….”

Ah’Kong  : “ihi…?”

BK : “Uu….pina ihi nya ako dun sa bote. Tapos nun binigay ko na, sabi nya sa akin balik daw ako kunabukasan at malalaman ko na result…, pag balik ko kinabukasan, sabi ni Dok Aga: “Iho…malala na yang rayuma mo, bibigayan kita ng ain reliever para sa tuhod mo…”

Ah’Kong : “…ihi lang sya laman na ikaw sakit tuhod???!!!”

BK : “Di ba ang galing…..pero hindi pa rin ako kumbinsido. Nung medyo inuubo ako, naisipan kong testingin ulit si Dok Aga. Bago ako pumunta sa clinic nya nag dala na ako ng ihi ko sa maliit na bote. Nung pag dating ko dun, “Dok pa-check up ulit ako” sabi ko. Sabi ni Dok Aga “may dala ka bang ihi?”….”Meron dok eto” Inabot ko na yung bote. “Sabi ni Dok Aga “sandali lang upo ka muna dyan.” Mga after five minute lumabas na si dok mula dun sa lab nya….sabi sa akin : “Kailan ka pa simulang ubuhin…?”

Ah’Kong : “anakteteng…ganun siya galing ??!!!”

BK : “Nung makaramdam ulit ako ng hindi maganda, punta ulit ako kay dok…ganun ulit ginawa ko, naglagay na ako ng ihi ko sa bote tapos nakita kong umihi din si misis, kumuha ako ng konti at sinama ko dun sa ihi ko, nung paalis na ako, kita ko tumutulo yung langis sa kotse ko….kumuha rin ako ng konti hinalo ko rin dun sa bote…….”

Ah’Kong : “Ayan siya hirap na hula iyo sakit….”

BK : “Hindi rin eh, nalaman pa rin nya….sabi nya…..”Yang sakit mo sa pag iisip malala na, patingin ka na sa psychiatrist……Yung misis mo, tatlong buwang buntis…yung kumpare mo ang ama…..yung kotse mo pa-change oil mo na, kakatok na ang makina…”

Ah’Kong : “Lala na tagala iyo sakit….ako na kaya paktay iyo….!!!!”


Responses

  1. haha..
    loko ka talaga kuya tawa ko ng tawa..
    ang lakas nung doctor galing nya hehe..
    nalaman nya un buntis asawa nya at kumapare mo ang ama hehe..
    pa change oil ka na raw kuya ehhe..

  2. ang lakas ng trip eh….kung anu ano tuloy ang nawe-hwento ko….

    baka nga kailangan ko ng magpa-change oil….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: