Ipinaskil ni: ahkong | Nobyembre 1, 2009

Isla Bonita ni Palace Boy

Sa hirap ng buhay natin ngayon, minsan hindi ko na alam kung san ako huhugot ng lakas para makaraos. Kahit na nandito ako sa Saudi eh, mahirap pa rin.

Wala naman akong pwedeng ibang gawing raket, hindi naman pwedeng manghada ako ng mga badinger Z mahirap na baka matuyot ako….LOLs

Alam naman natin na mahirap ang buhay ngayon sa ating Inang Bayan. Lalo na at dumaan ang nakaraang dalawang bagyo. Maraming nasalanta, maraming namatay….maraming nawalan ng ikabubuhay.

Buti pa yung pamilya na nakatira sa Palasyo, pa easy-easy lang. Nakabili pa ng bahay si Mickey Mouse sa New York ba yon? Pa travel-travel lang si pandak sa ibang bansa….para ano…wala namang nangyayari sa mga pagputa…este…pagpunta niya sa ibang bansa. Pwera lang yung mga inuwi niyang mga stranded na OFW dito sa ME. Ayun photo-ops sa palasyo, pa-cute cute sa harap ng kamera, kung anu-anong praise release……pagkatapos nun, paano na ang mga OFWs na yun? Wala….”bahala na kayo sa buhay ninyo”…parang ganun ang kinalalabasan.

Pero meron pa palang mas matindi dito sa pamilya na nakatira sa palasyo. Heto alipores lang ng Doña…pero matindi pala ang ginagawa nito.

======================

Palace boy, bumili ng isla

 

Habang nalalapit ang pagtatapos ng termino ng kanilang amo, mas pinatindi ng isang malapit sa pamilya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang ginawang ‘pag-iipon’ bilang preparasyon kapag nawala sa poder ang mga ito.

Bagama’t matagal nang ‘nag-iipon’ si Palace boy, simula nang maluklok sa kapangyarihan ang kanilang amo, ikinagulat ng Tonite Spy ang lantarang ‘pamamamakyaw’ ng isla ng kumag, partikular sa isang lalawigang mayaman sa likas na yaman.

Hindi nagbigay ng presyo ang mga kurimaw kung magkanong halaga nabili ni Palace boy ang isang magandang isla sa Palawan subalit nagtataglay umano ng maputing buhangin ito.

Maliban sa mala-Boracay white sand na nakapalibot sa buong isla, inilarawan pang nagtataglay ng ‘pristine water’ ang nabiling isla ni Palace boy kung saan malapit sa Mataya Reef, isang Marine Sanctuary ng bansa.

Sa ganda at itinatagong kayamanan ng isla, malaking palaisipan ngayon sa hanay ng mga kurimaw kung paano napa-tituluhan ni Palace boy at kanino naka-pangalan lalo pa’t masasabit sa panibagong eskandalo ito.

Hindi lamang malapit sa Port Borac at Mataya Reef na bantay-sarado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang islang nabili ni Palace boy bagkus nasa ‘area of responsibility’ ng Alonon Point na tinaguriang divers jump off site.

Sa mismong bibig ng mga residente ng Palawan nagmula ang alegasyong pagmamay-ari ngayon ng pamilya ni Palace boy ang magandang isla na bantay-sarado ng mga ‘civilian forces’.
Ang islang binili ni Palace boy, ito’y hindi una’t huli sa naitala dahil makailang-beses nang napabalitang namakyaw din ng lupain sa isang banyagang bansa ang pamilya bilang preparasyon sakaling mawala sa kapangyarihan ang kanilang Ma’am.

Clue: Napaka-makapangyarihan ni Pa­lace boy at hindi matibag-tibag sa kabila ng eskandalong kinasasangkutan, patunay ang pagtatakip ng Malacañang mga kabulastugan. Ito’y meron letrang “B at M” sa kabuuan ng pangalan at palayaw, as in Bundat na, Matakaw pa rin. 

======================

Kung tutoo man ito…..taena kayong mga ulupong kayo!!!! Lamunin sana ng tsunami yang isla nyo at masunog na sana kayo sa impyerno!!! Mga paksyet kayo !!!!

Nakaka-High Blood…mga bwisit !!!! Kukunin din kayo ni taning balang araw at kami namang mga winalanghiya niyo ang tatawa…..sa amin ang huling halakhak…!!!


Responses

  1. wow ha di ko alam to ah hehe..
    aus teka di ko mahulaan kung sino ung sinasabi mo kuya hehe..asawa ba to ni pandak hehe..:))

  2. hindi ko rin mahulaan kung sino tong unggoy na ito…maaaring ung asawa nga pero hindi ko mai-conect yung letter “B”….

    basta lahat silang nandun….tamaan saa ng kidlat LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: