Ipinaskil ni: ahkong | Nobyembre 5, 2009

Labidabi-do

Paano nga ba tayo nagka kilala? Natatatandaan mo pa ba?

Naalala ko eh isa pa akong teen kulangot noon. Iba ang ginagalawan kong mundo. Panay kagaguhan lang, panay porma…LOLs. Naalala ko naiinis ka sa akin noon kasi suplado ako, sabi mo. Pero madalas ka namang magpa-cute. Naalala ko yung tambayan namin noon tapat ng haybols ninyo. Madalas ka ngang dumungaw sa bintana para lang makita mo ako.

Naging magbarkada tayo noon. Pinakilala ka sa akin ng pormal ng mga tropang kulangot. Iba ang nililigawan ko noon taga Muntinlupa, pero hindi sa loob ha…..sa Soldiers Hills yon. Napaka layo pero dumadayo pa ako doon para lang makapag pacute dun sa nililigawan kong kahawig no Amy Austria.

Noong mag fiesta sa lugar natin sa Sto. Niño, inimbitahan mo ako sa haybols ninyo, pero sabi ko hindi ako sure kasi may lakad ako. Pinuntahan ko yung nililigawan kong si Amy Austria, gabi na ng makauwi ako sa lugar natin pero nandun ka hinhintay mo ako. Nakaramdam ako ng hiya kasi nag-abala ka pa. Hinintay mo talaga ako…at pinag silbihan nung fiesta na yun.

Ewan ko kung bulag ako nun pero hindi ko agad nakita. Hindi naglaon dahil sa ewan ko lang kung katorpehan ko o kabagalan kong mang ligaw eh naiinip si Amy Austria at sinagot yung isa niyang manliligaw. Sabi niya nga sa akin yung kanta ni Timmy Cruz noon na “I Love You Boy”. Sobrang manhid daw ako kaya nainis na siya at ayun nga sinagot niya na yung papabol niya.

Sa sobrang sama ng loob ko inaya ko ang tropang kulangot na tumoma ng tumoma…..mura pa beer noon. Bad trip na bad trip ako noon. Sabi nga ng tropa sa akin bakit daw hindi na lang ikaw ang ligawan ko…….nag pustahan pa nga  kami ng dalawang case na beer kailangan mapasagot kita ng 1 week, tumawad pa ako sabi ko gawin nilang 2 weeks…..”CALL !!!” sabi nila.

Talo ako sa pustahan dahil sumobra ng 2 weeks bago mo ako sinagot ng matamis mong…..“HMP !!!!”      LOLs

Matamis mong…….”Uu na dung !!!!”

In short naging mag syuta na tayo…..habang tumatagal lalo kong nakikita ng kabaitan mo, lalo na pag tulog ka. Juk-juk lang yun……naging masaya ang pagiging magsyuta natin. Lalo kang napalapit sa akin. ikaw din naman ganun din. Tumagal tayo ng limang taon bago natin naisipang lumagay sa akala natin tahimik…pero mas magulo pala…LOLs

Nagsabi tayo kay Nanay na gusto na nating mag sakalan..este…magpakasal. Ibinigay naman niya ng blessing sa atin.

Nung sinamahan natin ang ate mo na kukuha ng marriage license sa munisipyo ng Parañaque, eh pati tayo kumuha na rin. Nung oras din na yun nakasal tayo sa munisipyo. Tapos nun isinet na natin ang kasal natin sa sibahan.

Naging tahimik ang kasal natin sa simbahan…para ngang may libing eh….LOLs Huh? Anu ba yang pinagsasabi ko?…ibig kong sabihin napaka-solemn ng kasal natin dahil hindi na tayo nag imbita ng marami, mga kamag anakan lang natin at malalapit na kaibigan….parang yung kasal ni Ryan at Juday….LOLs (Showbiz na showbiz ampotek)

Hindi naman natin kailangan ng kasal o handaang malaki ang importante masaya tayo nung araw na yun. Pero natatandaan ko noon na sinabi mo sa akin na baka hindi ka pwedeng magka-anak dahil iisa ang ovary mo. Sabi ko naman hindi na importante yun….basta magkasama tayo sa hirap at saya. (ang grama grama mo naman)

After ng isangdaang taon, binigyan tayo ng Diyos ng isang napaka gandang baby girl. Natatandaan ko noon, nasa Parañaque Medical tayo, pagkatapos mong ilabas yung babay, nung magising ka na, sabi ko baby girl….ano ang gusto mong pangalan ang tanong ko sa iyo…..dahil fans ka ni Lovely Ness at kasalukuyang mayor si Joye Marquez noon, ipinangalan mo after kay Alma Moreno yung baby….”Vanessa”.

Sabi ko nga “Tracy Lords” na lang eh…..para sikat….LOLs o kaya.., “Selina Kyle”…..catwoman na catwoman ang dating….LOLs

Pareho tayong hindi makapag decide noon, kung ano talaga ang gusto nating pangalan….nung biglang dumating yung nurse dala yung form para sa Birth Certificate, minamadali ako….ang nilagay ko na lang “Vanessa Kayle” nagkamali pa nga yung spelling ko…dapat “Kyle” eh…pero ok lang ang importante malusog na malusog yung baby…..8.5 yata yun kung natatandaan ko. Hirap na hirap ka noon dahi malaki yung baby pero kinaya mo dahil alam mong wala tayong pambayad pag ceasarian…LOLs

Hindi lang isa ang ibinigay Niya sa ating baby, kundi tatlo silang blessing sa atin. Sa tagal nating nagsasama bilang magasawa, marami na tayong pagsubok na pinagdaanan, sa pagsamama natin na yun bilang na bilang ko lang sa daliri ng paa ang away natin o tampuhan . Hindi naman nagtatagal ang tampuhan natin dahil lagi naman nating inaayos agad. Lagi nga ako ang umiintindi sa iyo eh, pansin mo yun? Lagi na lang ako ang nagbibigay kasi labs kita….*kilig*kilig

Isa lang ang talagang hindi mo maalis……ang pagka selosa mo. Ok lang na mag selos ka, kung may pagseselosan ka, pero nasa isip mo lang naman yun. Epekto ng kapapanood ng mga telenovela sa TV yan eh. Nako-corrupt yang isip mo. Kaya itigil mo na yang kapapanood ng mga ganyang palabas ako na lang ang panoorin mo…..LOLs Ikawn naman kasi eh, ang napangasawa mo ba naman eh isang sex symbol na tulad ko….Teka baka magunaw bigla ang mundo…….nyahhh !!!!!

Ilang taon na rin tayong kasal……pero hindi pa ako nagpapasalamat sa iyo. Kaya thank you sa lahat ng ibinigay mo sa akin. Thank you sa pagtitiis mo sa kakulitan ko (minsan), thank you for taking care of our family dahil wala ako sa tabi mo. Thank you sa pagpapalaki sa mga baby natin and you did a very good job, lumaki ang mga kids na magalang….with intelligence, wits and dignity.

Higit sa lahat….thank you for being my wife.

HAPPY…HAPPY BIRTHDAY…..!!!!


Responses

  1. ang seeeet naman..(kilig)
    jan pala nag simula ang lab stori nyo ni ate labidabi..

    ang nice hehe..buti di ka nisagot nung taga muntilupa hehe..

    lapit na lang ng paranaque med dito sa shop kuya hehe..

    api berdei kay ate..ayieeee..tumwag ka na ba sknya hehe..:))

    i kampay na yan ehhe..

  2. awts kulang ng w ung sweeet ko hehe..pa edit na lang kuya ehhe..typo pa ko haha..churi

  3. uu dyan nagsimula ang magulo kong buhay….nayhh..ha..ha..ha.h.a..ha…

    seryusli….uu sis yan ang simula ng aming lab istori. hindi ko na nilagay ung pinikot nya ako…LOLs.

    nitawag ko na siya kahapon din. binate…este…binati ko na rin siya ng Hapi Labidabi Berdeyt !!!!

    hindi na raw siya nag handa i-treat niya na lang yata yung mga kids sa lugawan sa bayan….ung lugawan sa chowking….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: