Ipinaskil ni: ahkong | Nobyembre 8, 2009

Clone Wars

Naalala ko noong ako ay maliit na kulangot pa lang at pag bakasyon palagi ako sa lola ko. Uu spoiled ako sa lola….LOLs

Nung mga panahon na yun basta pag sapit ng 12 ng tanghali, umpisa na ang palabas sa tv na panay tagalog, mga lumang palabas noong mga 1950’s 1960’s era. Palaging sina Rogelio dela Rosa, Dolphy at Panchito, FPJ kasama ang Low Waist Gang…..marami pang iba.

Meron ding mga Pinoy Martial Arts movie nung mga panahon na yun. Tuwang-tuwa ako pag ganun ang palabas….pero ngayon na natatawa ako pag naiisip ko.

Tingnan ninyo ang mga Clones ng orig…..

Original : BRUCE LEE

Ayan ang original…kitang kita naman….pero sumikat si Bruce Lee nung namatay siya. Kaya nagkarun ng Bruce Lee craze sa Hong Kong…ang daming mga Bruce Lee Clones na naglabasan….

Clones 1 : Bruce Li

Clone 1.2 Bruce Le

Pahuhuli ba naman ang pinoy…syempre hindi mawawala si Ramon Zamora (sumalangit nawa) ang Bruce Lee of the Philippines…..

Marami pang mga clones ni Bruce Lee ang naglabasan, kung ipapaskil ko yung iba eh maiinis lang kayo dahil nakaka asar….LOLs. Malamang nagtata-tambling si Bruce Lee sa hukay at kung pwede lang siyang bumangon siguradong pipitik sa yagbols itong mga clones niya…LOls

Meron pang isang sikat na tao ang maraming clones….ang yumaong Elvis Presley….

Original : Elvis Presley

Maraming Clones si Elvis lalo na sa Las Vegas…..hanggang ngayon meron pa ring nagpe-perform doon na clones niya. Naku pag umattend kayo ng Elvis Presley Convention iba’t-ibang klase ng Elvis ang makikita ninyo, may puti, may itim, may hapon, may intsik…..alangya…katulad din siguro ni Bruce Lee eh kung nabubuhay lang siguro si Elvis paghahampasin ng gitara lahat ng clones niya…LOLs.

Pahuhuli ba naman ang pinoy? Syempre…kung may Bruce Lee of the Philippines…may Elvis Presley of the Philippines….oopsss….hindi po si Eddie Gutierrez ang sinasabi ko…kundi yung isang pang Eddie….

(Eddie Elarde?)…..tungak HINDI !!!

(Eddie Villanueva?)……..HINDI RIN….

(Eddie Fernandez ?)………..oh H I N D E E E E E !!!!

(eh sino?) eh di……Eddie Mesa…ang tatay ni Michael deMesa na kapatid ni Mark Gil at Cherrie Gil.

Pero bakit walang clone si Michael Jackson….sabagay mahirap gayahin yung boses niya…saka yung dance moves…lalo na yung naaagnas niya mukha talagang mahirap gayahin yun…LOLs

Ang hirap ng maraming clones….buti na lang nagiisa lang si Boy Kulangot….at buti na rin lang at walang clone si Ah’Kong….ohmygulay…isipin nyo na lang na maraming Ah’Kong ang pakalat kalat sa kalsada…….isipin ko pa lang kinikilabutatan na ako….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: