Ipinaskil ni: ahkong | Nobyembre 9, 2009

Pag wala…WALA !!! Pag Hindi Pwede…..Dehins Pwede !!!

Alam nyo yung pakiramdam na parang hindi talaga para sa inyo ang isang bagay? Kung baga kahit anong pilit nyong magkarun ng gusto nyo pero wala pa rin talaga, parang sinasabi hindi nakatakda na magkarun ka ng ganun.

Matagal-tagal ko na ring balak palitan yung video card ng pc ko sa bahay. Paano naman kasi napaka low-end….empotek yung simpleng 3d games eh hindi makaya….lalo na yung 3DSexVilla2….yung mga bebot eh panay puti yung mata..nakaka asiwa tuloy laruin kasi parang mga zombie yung characters….LOLs

Heniwei, nung isang gabi pa ako naghahanap ng vid card na pwede sa pc ko. Meron nabili yung kasama ko na MSI Graphic Card Accelerator….kako pwede na yun sa pc kong bagung-bago na P-III….uu ganun kabago yung computer ko sa bahay….LOLs (Sarap sunugin…)

Ayun nga…. nung nagpadala ako ng remittance kay labidabi, inikot ko na yung lahat ng tindahan ng computer parts dito sa Khobar, wala ako mabili. Tinanong ko lahat ng mga shops, panay 256MB na na Radion yata yun, ang binibigya sa akin….ampotek Sr 160.00 naman….napaka mahal, (uu nagkukuripot na ako ngayon), saka hindi ako sure kung pwede sa pc ko yun, masyadong maarte ang pc ko…..sayang naman kung hindi rin magagamit, hindi rin naman pwedeng isoli….

Sabi ko sa sarili ko, subukan ko na lang dun sa isang bilihan. Itong bilihan na ito, isang building siya na panay computer parts. Nandun lahat ng computer, lalo na yung pinag lalawayan kong curly tops….este…loptop.

Kinabukasan nun, nagpunta na ako dun sa building na yun sa Khobar, sa Al Dossary Bldg, nilakad ko lang kasi malapit lang naman….yun ang akala ko!!! Pwede ngang lakarin, pero malayo-layo rin pala…..ampotek….pag dating ko dun hinihingal ako, hirap ng hindi na sanay maglakad eh…LOL. Ganun din wala rin daw silang ganun vid card….huwwaaaa!!!!

Sinabi ko na lang sa sarili ko na talagang hindi para sa akin yung vid card na ganun. Siguro hindi pwede sa pc ko yun kaya wala akong mabili kahit na nag tingin na ako sa lahat ng shops dun. Ayun sasakay sana ako ng taxi pauwi, pero nag-kuripot na naman, ayun nilakad ko na lang. Pag dating dun sa kanto, sa may stop light pa puntang sa bahay namin…bumili na lang ako ng McDo Meal……..yun na lang ang nilantakan ko.

Meron talagang nangyayari na kahit anong pilit, kahit anong gawin natin…..hindi natin makukuha ang gusto natin, dahil siguro meron mas higit na bagay ang nakalaan para sa atin…kaya hintay-hintay lang.


Responses

  1. ang ibig sabihin non hindi yun para sayo… 😛

  2. uu nga eh…pero syempre nakaka disappoint din minsan kasi sa sarili natin umaasa tayo….kaya hayun iyak na lang aku….huwaaahhhh !!!!

    LOLs…

    (iiyak-tatawa…iiyak-tatawa…para na akong baliw)

  3. bat hindi ka mag laptop?

    • balak ko talagang bumili ng loptop, pinagiipunan ko pa medyo mahal din kasi dito 1,800 to 3,000 Riyals ang loptop, magandang klase a yun, nasa high-end na.

  4. hehe..uu nga loptop na lang pag ipunan mo kuya
    wag na vid card
    dun sa loptop na bi2lin mo dun ka na lang bumawi ng mas mataas na vid card hehe..

  5. uu nga sis…talagang pinagiipunan ko…katunanyan meron na akong 5 halala na nakatabi….kung baga sa peso eh meron na akong 5 centavos…LOLs

    kelan pa kaya ako makakaipon ng 3 tawsan-tawsan….baka hindi na uso ang loptop..LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: