Ipinaskil ni: ahkong | Nobyembre 10, 2009

Abu Badaf Strikes Again

Ohmygulay…..nabasa nyo ba yung nangyari sa principal ng school na dinukot ng mga Abu Badaf. Taena kinidnap na pinugutan pa ng ulo !!!! Masyado ng barbaric itong grupo ng mga Abu Badaf. Dapat talaga sa mga ito ubusin na…..dapat ang operation dito ng military eh Search and Destroy with Extreme Prejudice !!!! Dapat sa mga ito pagpipitikin ang yagbols hanggang sa mamaga….tapos saka kapunin….LOLs

Hindi na tao ang grupo na ito…unang una hindi naman mga rebelde ang mga yan dahil wala naman silang pinaglalaban gaya ng MILF at NPA. Ang raket nila kidnap for ransom….wala silang pinagkaiba sa mga ordinaryong magnanakaw….(ng lakas???)

Paano na yung pamilya ng principal na pingutan nila? Hindi nila iniisip yon, ang kanila lang pera…pera…pera…pera…at…pera pa rin. Baka akala nila ang pera eh pinupulot lang kung saan. Pinaghihirapan ito ng mga tao. Bakit hindi sila magtrabaho ng marangal? Bakit kailangan nilang gawin yung mga bagay na ganito? Nakakalungkot……at nakaka asar na!!!!

Ang ginagawa nila eh, against sa religion nila….sabagay wala naman silang sinunod na batas ng Islam o batas ng Diyos at sa batas ng tao….kaya kailangan na silang mawala dito sa mundo. Paano maibabalik ang kapayapaan sa Mindanao kung nandyan ang gupong Abu Badaf….

Ito namang military natin….bakit hindi nila masugpo ang Abu Badaf eh, iilan lang ang tauhan nito. Ibig sabihin may mali sa tactics ng military……ang gamit yata ng military eh outdated na kaya ganun tapos ang Abu Badaf eh panay high-tech ang gamit. Pero wala naman sa gamit ang labanan eh nasa tatics….parang chess. Dapat yata dito sa Abu Badaf , ang gamitin ng military….Air Strike…..isang linggong air strike lang na walang tigil. Siguradong ubos ang mga yan.

Kung nabubuhay lang sana si FPJ eh siguradong nalagas na yang grupo na yan, isang batalyon na hapon nga nagawa niyang pulbusin eh….wala pang palitan ng magazine yon, oh di va? Pwede rin si Lito Lapida……yung nga lang wala siyang pwedeng pag slidan dun…..LOLs. Si Pac Man naman di pwede, baril yung katapat niya….hindi uubra ang kamao dun. Si Darna kaya? Kaso mahirap na…yung suot nya na ganun? Malamang ma-reyp lang siya dun…LOLs

Alam ko na dapat si Doña Glorya ang pumunta dun….suguradong maghihirap ang buhay nila at magpapakamatay silang lahat dahil sa hirap. Tapos na ang grupo ng Abu Badaf.


Responses

  1. haha..malamang sa malamang eh mamatay sa gutom kung si gloria ang ipadala dun hehe..hang kulet..
    dapat nga ang abu sayaf na yan ang pinupugutan ng ulo eh hehe..

  2. hay naku sis….dapat sa mga yan balatan ng buhay at ilublob sa swimming pool na patis…..aray ko masakit yun…LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: