Ipinaskil ni: ahkong | Nobyembre 15, 2009

Paano…..Paano ko Sasabihin….Paaanoooo(t)

Meron akong bagong kasama sa kwarto ko na galing Pinas. Kadarating lang niya last week at naka assign siya sa shop as Salesman. 

Tawagin natin siyang Boy Liit kasi maliit lang eh…..kulang na nga sa height eh manipis pa ang kaha. Maranaw daw siya pero naka tira sila sa Pasig, malapit daw sa palengke. 

Nandito ang asawa niya, nurse sa isang Dispensary. Kapag weekend nagpupunta siya dun. Pati biyenan niya dito rin nagtatrabaho, representative naman ng Pag-Ibig Fund. Papatulong nga ako para makakuha ng Pag-ibig sa ibang tsiks….este,….Pag-ibig pala para makapag pundar naman kahit maliit na mansion….LOLs. 

Ayun nga, dahil pareho naman kaming pinoy eh, dun ko na pinatuloy sa munti kong kwarto. Kahit masikip at talagang pang isahan lang ang kwarto ko, eh sige kako at dun muna siya. Pero mahirap talagang may kasama sa kwarto na ibang tao, after ilang taon na solo ko yung kwarto, naninibago ako…hindi tuloy kami makapaglaro ni Maria….ahihihihihihi. Hindi bale kung babae yun….LOLs 

Dahil sa bago nga siya pinakilala ko dun sa kinukuhanan kong tindahan. Para kung kailangan niya ng supply o pagkain mayrun siyang makukuhanan. Tapos kada sweldo ang bayad. Sinabihan ko siya na dapat huwag siyang papalya sa pagbabayad dahil ako ang malilintikan at sa akin sisingil yon pag nagkataon…… 

Makalipas ang ilang araw, napapansin ko, kumokonti yata ang supply ko sa ref??? Gaya nung 10 itlog na binili ko…..apat na lang ang natitira eh hindi ko pa ginagamit….alangan namang mapisa yun at maging manok. Sa akin naman eh ok lang. Hindi ko na pinansin dahil baka wala siyang pera…..saka itlog lang naman yun eh….makakabili ulit ako. 

Kagabi nagluto ako ng pansit-pansitan na ewan ko kung pansit nga na matatawag yun…LOLs. Pero ok naman ang kinalabasan, para kang kumain sa isang Chinese Resto sa ilalim ng tulay ng LRT….LOLs. Nung dumating siya galing duty, magsasaing pa siya at mag luluto siya ng itlog. Sabi ko nag luto ako ng pansit at kumuha na lang muna siya dun para kahit mamaya na siya magluto at least naka-kain na siya. 

Eto matindi….nung pag uwi ko kahapon, bandang 1pm na ako nakauwi galing duty, aba…nilalantakan yung pansit na niluto ako…buti na lang may natira kahit konti. Hindi na ako umimik…….kinain ko na lang yung natira at nagtinapay na lang ako. Ang ginagawa ko kasi, sa gabi ako nagluluto para pag uwi kong lunch, hindi na ako magluluto ng pagkain kasi meron na….eh kaso, nginasab…ayun…natibol yung niluto ko….huwaaahhhh !!!!! 

Hindi naman sa nagdadamot ako….….pero siyempre, nagtitipid din ako, para mas malaki ang maipadala ko sa pamilya ko saka isa pa, binibili ko rin yung mga niluluto ko. Magkano din yun? Yung supply na binili ko eh tamang-tama lang sa akin for 1 month. Kasi kada sahod may nakalaan talaga ako for grocery na pang isang buwan. Ok lang sana kung siya ang nagluluto kaso, ako na ang nagluluto iba ang kakain…..asar talo ako dun ah? Hindi ba parang lugi naman ako dun? 

Eto pa napapansin ko, yung tubig na nilalagay ko sa ref, gagmitin niya pero hindi naman niya nilalagyan ng tubig pagkatapos niyang gamitin….ohmygulay, naman, yung tubig na iniinom niya eh binibili ko rin…. 

Paano ko ba maipapaliwanag sa kanya ito na hindi naman siya mao-offend. Nahihiya rin naman kasi akong sitahin, baka naman sabihin niya nagdadamot ako…..paano….paano ko sasabihin?? 

Walang pinagkaiba sa ikaw na ang inutangan pero ikaw pa ang nahihiyang maningil….parang ganun….


Responses

  1. oo nga kuya ang hirap nga ng sitwasyon mo..
    un nga lang parang ang kapal naman ng mukha nya ..
    siguro naman dapat nyang isipin na pinatuloy mo na nga sya di ba..
    heneways..
    kausapin mo ung masinsin lang..
    di ko din talaga alam kung paano ang mag aadvice sayo hehe..

  2. honga mahirap nga eh….ayaw ko namang palipatin ng ibang kwarto, syempre kawawa rin naman.

    Tarayan ko kaya wid matching taas ng kilay….LOLs (jokes lang)

  3. hmmm syempre daain na lang sa biro at may kasamang hehehe sa dulo.

    1. Oi nagluto ako ng pansit ah, wag mo ko ubusan. hehehe

    2. pakilagyan na lang ng tubig yung mga ano pagkatapos a. hee

    kung umulit pa, aba. palayasin na. hahah joke lang

    • pwede kaya “jejeje” sa dulo…? LOLs

      parang gusto ko ngang i-podlock yung ref eh….o kaya lagyan ng electric shock…LOLs

  4. Ganyan din ako noong college, sa dorm naman. Ang ginagawa ko nilalagyan ko ng paskil yung mga pagkain sa ref. Parang ganito: “Huwag kainin, project ko sa Microbiology. Nakamamatay.” Mula noon ligtas na ang mga pagkain ko sa ref.😆

    • uy, maganda yang ah…..

      ano kaya….lagyan ko ng babala:

      “wag kainin at pakialaman…Radioactive : nakaka mamatay” tapos may drawing na bungo saka ekis….LOLs

      naalala ko tuloy yung kasama ko dati sa ibang company…yung asukal niya nilagyan nya ng “asin” tinanong ko kung bakit? kasi daw laging nilalanggam…nung nilagyan nya raw ng word na “asin”…hindi na nilanggam…..LOLs

      iba talaga epekto ng nagsa saudi….nakaka praning…LOls

  5. kung ako yan napranka ko na agad yan. kapag di magbago, sipa sya paalis ng bahay!
    😀

    • nakaka-awa rin kasi…saka first timer dito sa Saudi….may pasensya pa namang natitira sa akin, huwag lang maubos…ika nga eh “everyman has his own limitations….”

      balak ko ngang saksakin habang natutulog eh….LOLs (bayolente)

      jokes lang yun…..hindi ko naman gagawin yun.

  6. suggestion ko, mag schedule kayo ng gawain sa bahay.. MWF ikaw magluluto, TTHS, siya ang magluluto..

    para makaramdam siya ng hatian.

    • OK lang sana kung ganun….kaso nitong mga huling araw eh lahat ng gamit ko ginagamit na rin….

      Imagine pati plato/kutsara’t tinidor….nung minsang umuwi ako ng lunch….aba gamit lahat..pati yung kaldero, eh paano naman ako makakapagluto nun…ako ang nawalan ng gamit….asus ko po.

      Kaya nga lahat nung mga paraphernalia, (cafe, asukal, mantika..etc…), itibago ko ng lahat, mahirap na baga ako ang walang magamit pag kailangan ko.

      Medyo nadala na rin kasi ako noon sa ganung set-up. Nung nasa ibang compnay pa ako, ganun ang ginawa namin…wala rin nagkakatamaran, kaya kako magsolo-solo na lang.

  7. grabe naman sitwasyon… mahirap talaga yung ganyan.

    sugest ko sau.. sabhin mo sa kanya ung mga dapat gawin, ipaliwanag mo sa kanya ung mga di dapat… sa maayos na paraan.. parang kapatid na pinagsasabihan.. ganun? pero huwag mong bibiglain… wag ung tipong lahat ng sama ng loob mo inilabas mo sa loob ng 3 minutes… hahaha! dapat utay utay lng…

    sample… kunyari habang naglalagay ka ng tubig sa ref… sabayan mo ng pagbibilin..

    dramatyz natin..

    boy1: (nakaupo sa kama habang nagkakamot ng likod)

    boy2: “ah.. boy1 pag wala na nga palang laman tong mga bote.. pakilagyan na lng kaagad.. para may stock lagi tau na malamig…” (habang naglalagay ng mga bote ng tubig sa ref at nakakunot ang noo..)

    boy1: ah ok…

    oh diba? di nakaka offend un…
    tapos ung ibang mali naman nya… sa iba namang sitwasyon.. hanapan mo ng tyempo..

    utay utay yan matutuwid..
    kc sa palagay ko hindi nya naiisip ung mga bagay na yon eh mali na pala… lalo na kong ganyan ang nakasanayan nya…

    • maraming salamat sa iyong magandang payo nai at salamat din sa pag bisita dito sa aming munting tambayan….

      medyo ok na lahat ngayon, kasi inihiwalay ko na ang mga gamit ko at take note ibinili ko pa siya ng kutsara….uu ako pa ang bumili para me magamit siya kasi nakakahiya sa kanya eh. Kutsara lang ha….bahala na siya sa tinidor niya.

      At ang aking munting ref, eh tinabakan ko ng supply at bahala na siya kung saan niya ilalagay yung kanya…..

      Eto pa sis ang gusto niya……gusto niya lumipat kami ng kwarto kasi daw nasisikipan siya…..

      Huwaaaatt !!!

      Nananahimik ako dun sa kwarto ko at ka ige na nagso-solo ako eh tapos eto at darating siya at palilipatin ako. Oo na lang ako pero hindi rin ako lumipat kung nasisikipan siya sabi ko, siya ang lumipat at maghanap ng kwarto niya….ayun hindi rin naman lumipat…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: