Ipinaskil ni: ahkong | Nobyembre 20, 2009

SmoothDraw3

Matagal na akong naghahanap ng pwedeng gamitin sa pag-drawing. Una kong ginamit CorelDraw. Sa una eh, mahirap kasi nakakalito, sa kakabutinting ko eh nakagamayan ko na rin ang Corel.

Pero may limitation pa rin. Meron akong guston gawin pero nahihirapan ako sa CorelDraw kaya nag hanap-hanap ako sa net ng pwede kong magamit sa aking mga kalokohan.

Eto nga kahapon eh nakita ko itong SmoothDraw3. Para siyang MS Paint lang pero maraming options saka mas maganda di hamak sa paint. Kahapon nga eh inumpisahan ko ng kalikutin pati yung pwet ko…LOLs Hanu ba yan pati wetpaks ko nasama dito sa hwento ko……ahihihihihi.

Nung una kong kalikutin…parang ang sama ah? Ibahin ko na lang….nung una kong pag aralan, itong SmoothDraw3 eh parang mahirap. Gumagawa ako ng tao sa canvas pero hindi ko makuha yung gusto kong mangyari. Naisipan kong mag sketch sa papel tapos scan ko tapos i-open ko dito nga sa SmoothDraw3….aba pwede pala at least pag nag sketch ka na, may guide na, madali ng mag experimento.

Eto yung ini-sketch ko…..

Maraming pagpipilian na pwedeng gamitin, ang pinili ko yung air-brush saka yung watercolor. Inumpisahan kong mag experimento na may kulay…kasi gusto kong makita yung colored…mahirap pala. Ginawa ko na lang B&W….pero hindi ito yung kanta ni mareng MJ, iba yun….LOLs.

Medyo mahirap lang kasi mouse ang gamit ko. Mahirap kayang mag lagay ng guhit tapos freehand…..nanginginig yung kamay ko, halatang pasmado..kaka-jogging. Malamang bumili ako ng tablet nito eh, hindi ho tablet na gamot o anu mang drugs….ito yung parang pen tapos meron siyang pad na dun ka maguguhit o kaya pwedeng ring pang signature……pwede ring gamitin pangulangot yun….LOLs

Eto ang kinalabasan ng kalokohan ko…..

 

Ayus….pero sa tingin ko hindi proportion yung aking gawa……pero hindi bale, pwede pa namang ulitin. Pwede na akong gumawa ng kung anuman ang pumasok sa malaswa kong isip….este….gamunggo kong utak….LOLs.


Responses

  1. ayos naman! ang galing! ako rin eh balak kong bumili ng tablet kasi ang hirap talaga pag mouse lang eh. wacom at bamboo daw maganda kaso mas gusto ko cdrking kasi mura at saka hobby lang naman eh!

  2. thanks sis….isa yan sa aking mga frustrations…LOLs

    naghahanap na nga rin ako ng pen tablet….kahit yung mura lang.

  3. hmmm..
    parang mas ok yan sa pag gawa ko ng gown un nga lang..
    sa magkano kaya ang pen tablet haha..

  4. hindi ko pa rin alam kung mag kano sis…hindi pa ako nakakalabas ng lungga ko….LOLs

    balitaan kita….gusto mo ba ng SmoothDraw…i pasa ko sa iyo ang linkis….freeware naman siya.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: