Ipinaskil ni: ahkong | Nobyembre 22, 2009

Ang Aking Punda…..BOW!!!

Ang aking punda, ibinigay ng kompanya.
Sa apat kong unan, siya ay nag-iisa.
Pink ang kanyang kulay, hindi ito galing ukay-ukay,
Kulay man niya ay ubod ng landi, hindi ko naman ito hiningi.
Mapayapa siyang tingnan, lalo na sa bandang ulunan.
Dumaan ang mga araw, buwan at taon.
Buti at nabigyan ko ng panahon.
Aking napansin, punda ko hindi na  kulay pink,
Ito ay naging kulay itim parang may blink-blink
Pwede ng pagtaniman ng kamote.
Totoo yan kahit pumunta pa tayo sa korte.
Hindi ko alam kung anong klaseng punda ito,
Nung aking makita akoy naging tuliro
Kaya’t agaran ko siyang ibinabad sa sabon,
Habang ako’y lumalamon ng mammon.
Pinalipas ko ang isang araw, at aking natanaw
Ako’y nagulat at nagitla, para akong natulala.
Tubig ay naging itim, nakaka-shock at nakaririmarim.
Akala mo’y burak katulad ng aking utak.
Sinimulan kong labhan ang aking punda.
Kusot dito kusot doon, hindi ko ininda.
Sa aking isip kailangan kong linisin,
Lahat ay gagawin at aking titiisin,
Malinis lang ang akin punda…anak ng tinapa.
Pagkatapos kong labhan, binabad ko sa downie,
Upang bumango, at maging lovely.
Kumupas man ang kulay, ito’y nagka buhay.
Luminis at bumango, pag naamoy ay para kang na lalango.
Malinis at mabango na ang aking punda,
Kailan naman kaya ang segunda?
Ito ang tanong ng aking kaibigang si Ah’Kong.

Responses

  1. haha naka uwi ka nat lahat dito kuya ngayon mo lang naisipan labhan yan ehe..

    henways ok na ba sya hehe..
    sana every week laban mo na sya ha hehe..:)

  2. hindi naman…..pero wans in a blu mun nga lang…LOLs.

    hoke na sya sis sarap ng amuy-amuyin….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: