Ipinaskil ni: ahkong | Disyembre 6, 2009

MukhangLibro

Hays naku…..medyo busi-bisihan na naman ako at dahil nga katatapos lang ng Hajj Holiday eh marami akong pending na trabaho, isa….uu isang katerba na pending…LOLs

At medyo umuulan-ulan na dito, ibig sabihin, malamang by nek wik eh matindi na ang lamig at winter na dito. Pag ganito pa namang panahon eh mahirap dahil sa sobrang lamig eh nangunguluntoy si manoy…ahihihihihihihihihi. Wala pa kaming heater na bahay, nakngtinapangbading da yan, ang hirap maligo sa umaga dahil talagang malamig ang tubig, parang galing freezer.

Nalilibang din ako sa MukhangLibro…..este sa Facebook pala. Nakakalibang yung aking FarmVille at yung aking mga isda sa Aquarium….Matindi pala mga isda rito, malilibog pa kesa sa rabbit….mayat-maya nag lalabing-labing…LOLs. Maya’t maya rin ang linis ko at baka dumumi eh….LOLs

Yung aking Mafia naman eh hindi ko alam na kinakalaban na pala ng iba nagulat na lang ako ala na akong pera…….ginagalit nila si Don Pepot….sige ubusan ng lahi…ala Magiundanao Massacre na ‘to…..pero lugi ako pamalo lang ang dala ko sila high power….makahingi kaya sa mga Ampatuan ng baril…LOLs

Ang dami pala naming mga magkaka-batch ang nandun sa Facebook….pati yung aking papi lab nan dun din…pero dedma lang mahirap na…baka mabisto ni labidabi maghalo ang puti sa dekolor…LOLs


Responses

  1. Nakita ko din sa Facebook ang perslab ko. May anak na, mukhang tatay (may anak na nga e!), mataba at pumanget. Spell bitter.😀

    • uy thanks sa pagdaan sis…..(add na rin kita sa linkisan ko ha?)

      nyahh…ha..ha..ha..ha.. talagang ganun yata eh. ako rin hindi ko lubos maisip kung bakit na inlab ako sa kanya…LOLs

      (talagang hinahanapan ng mali eh no?)

      pero meron din namang instance na……natatanong mo sa sarili mo na,

      “ano kaya kung kami ang nagkatuluyan?…..ganito rin ba ang magiging buhay ko….o lalong gugulo…?” LOLs

  2. nyahahahaha! napatawa ako dun! ang cute ng mga terms na ginagamit mo!
    laptrip!

    nagsawa na ako sa facebook eh! nangangain ng oras! pati pagbloblog nakakalimutan ko pero ngayon im outta der! hakhak! nakagetover na ako sa aking kaadikan!

    • uu nga sis…ang lakas makaubos ng oras….
      pero talagang nakakalibang siya…. kung tutut lang sana yung kinikita dun sa mga lintek ng games na yan…sana may extra income na tayo…LOLs

      pero hinsi ko syempre kakalimutan ang aming tambayan…kahit ganito ito eh mas masarap pa ring magsulat ng kung anu-anong ka ek-ekan chenes…LOLs

  3. ako di na naghahanap ng mga past hehe paano nakalimutan ko na mga panagalan nila hehe..

    kuya add mo naman ako saa fb mo hehe..

    • uu sige add kita tapos magtanim tayo ng mga gulay sa farmville ng yumaman na tayo….kahit kunwari lang….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: