Ipinaskil ni: ahkong | Disyembre 8, 2009

BFF – akong blaha sa inyo

I-post ko itong article ni Ginoong Jake Macasaet ng Abante.

========================

Ampatuan, inilibre ni GMA (by : Jake Macasaet – Abante Editorial 09/Dec/2009)

Hindi magdurusa ang mga Ampatuan sa pagkamatay ng 57 tao sa Maguindanao. Salamat kay Gloria Macapagal-Arroyo. Inilibre niya ang mga Ampatuan.
Ang akala ng publiko, binibigyan ng katarungan ni GMA ang nangya­ring pagpatay sa pagsasampa ng rebellion at murder laban sa mga Ampatuan.
Sa aking paningin bilang isang high school graduate, walang nangyaring rebellion. Absuwelto ang mga Ampatuan.
Tingnan nating mabuti ang mga pangyayari. Ang 57 pinatay ay hindi kalaban ng estado o gobyerno. Lalong hindi kalaban ng estado ang mga Ampatuan. Kaibigan pa nga sila at kaal­yado ni GMA.
Ang nangyaring pagpatay ay hindi para ibagsak ang estado. Isa itong political killing na ang pinagbibintangan ay ang mga Ampa­tuan. Ang ginawang pagpatay ay hindi para ibagsak ang estado.
Nasaan ang kasalanang rebelyon? Wala
Hindi magdurusa ang mga Ampatuan sa kasalanang murder at rebellion.

Matagal nang may desisyon ang Korte Suprema sa kaso ni yumaong Amado Hernandez, isang peryodista ng Taliba na ang pagpatay ay kasama sa kasalanang rebellion.
Kung mahatulan ng rebellion, hindi puwedeng mahatulan ng murder. Ang murder at panggagahasa ay mga kasalanang kala­kip ng rebellion.
Ipalagay na natin na mahatulan ng rebellion ang mga Ampa­tuan. Pero hindi sila puwedeng mahatulan sa kasalanang murder o panggagahasa.

Kung ganu’n, hindi sila magdurusa sa pagkamatay ng 57-katao, kasama ang 30 miyembro ng media.
Dahil wala naman talagang nangyaring rebellion, sa tingin ko absuwelto ang mga Ampatuan. Inilibre sila ni Gloria Arroyo.
Kung talagang katarungan ang hangad ni GMA sa pagkamatay ng 57 katao, murder ang demanda na dapat isampa sa mga Ampatuan. Baka hindi sila makalusot.
Bagaman wala isa mang Ampatuan noong oras ng pagpatay, natiyak na ang mga tauhan nila ang pumapatay. May mga testigo na nagsabi na utos ni Andal Ampatuan ang pagpatay sa mga tao na patungo sa kapitolyo para mag-file ng certificate of candidacy sa pa­ngalan ni Mangudadatu, kaaway sa pulitika ng mga Ampatuan.
Bukod doon, maraming nakitang armas kasama ang da­lawang tangke sa mansion ni Ampatuan. Hindi naman puwedeng lisensiyahan ang tangke.

Pero hindi naman ito ginamit para itumba ang pamahalaan ni GMA.
Walang ebidensya na nagtangka ang mga Ampatuan na ibagsak ang estado. Paano sila madedemanda sa kasalanang rebellion?
Pero rebellion lamang ang tanging paraan para huwag ma­nagot sa kasalanang murder ang mga Ampatuan. Kaya rebellion daw ang isasampang kasalanan.
Ang puwedeng isampang demanda sa bagay na ito ay illegal possession of firearms.
Matibay ang ebidensya sa kasalanang ito. Mahirap lusutan.
Ang paglilibre ni GMA sa mga Ampatuan sa kasalanang murder sa pamamagitan ng pagsasampa ng kasalanang rebellion ay isa sa maraming patunay na malaki ang utang na loob ni Gloria Arroyo sa mga Ampatuan.
Kung hindi dahil sa kanila, hindi mananalo si Gloria noong halalan 2004.
Ang ibig sabihin ng lahat ng ito ay malaki ang takot ni Pa­ngulong Arroyo sa mga Ampatuan. Paano nga naman kung kumanta at ibulgar sa madla na nandaya sila sa Maguindanao para manalo si Gloria?
Baka siya ang humarap sa rebellion ng mga tao na puwedeng suportahan ng mga sundalo sa Magdalo.
Bakit hindi mapilit si Ampatuan na dalhin sa Maynila tulad ng ginawa sa kanyang anak na si Andal Jr. Ayaw niyang umalis sa Davao. Doon siya gustong mabistahan. Sa kasalanang murder sana. Biglang gumaan ang kasalanan. Naging rebellion na lamang na hindi naman nangyari. Kahit nga pagtatangka ay hindi mapapatunayan.
Ang mapapatunayan ay ang pagpatay sa 57 katao.
Walang katarungang mahihintay ang pamilya ng mga namatay. Hindi mananagot ang mga Ampatuan sa murder. At malilibre pa sa kasalanang rebellion dahil hindi ito mapapatunayan.
Para sa akin, hustisya ng Dakilang Ama ang naghihintay kay Gloria Arroyo. Wala siyang pakialam sa hustisya ng tao. Ipagdasal natin siya.

====================

Uu dahil siya ang pinaka magaling, (sabi niya) na presidente sa kasaysayan ng Zarsuela….

araw-araw namin siyang ipinagdarasal……

“SANA KUNIN KA NA NI LORD…..AT IHULOG SA KUMUKULONG DAGAT-DAGATANG APOY….TAENA MOOOO !!!!!”


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: