Ipinaskil ni: ahkong | Disyembre 8, 2009

Disyembreng Malamig

December na……

Marami na rin akong nakita at nabasa na mga post tungkol sa kani-kanilang Christmas Wish….

Nung maliit pa lang akong kulangot….talagang nakaka-excite ang pasko. Dahil bata, maraming tayong ine-expect lalo na sa mga regalo. Dahil ito yung time na mapapasaiyo yung inaasam mong laruan…….pero..teka…hindi lahat ng pasko eh, makukuha mo yung ginugusto mo.

Meron naman instance na, hindi mo talaga makukuha yung pinag nanasaan mong katawan…este….laruan. Disappointment ang mararamdaman mo.

Tulad ng mga kids ko. Alam ko….hindi naman sila nagsasabi sa akin pero nararamdaman ko na medyo disappointed sila dahil hindi naman namin kayang ibigay ang lahat-lahat ng hilingin nila. Pero I make it up to them pag umuuwi ako.

Gusto ko silang matuto na hindi lahat ng bagay na gustuhin nila eh makukuha nila. Kung talagang gusto nila, kailangan nilang pag hirapan…..tulad nung aking panganay, ang aking unica hija….ang hinihiling niya sa akin eh….Honda Wave.

Sabi ko sige, pero hindi ko na siya ibibili ng cellphone or anything. At may kondisyon kami. Kailangan nasa at least top 3 siya ng klase nila, pag wala siya sa top 3 bisikleta na tatlo gulong ang ibibili ko sa kanya…LOLs kulay penk….LOLs

Yung pangalawa ko namang anak, si Boy Flawless eh simple lang ang gusto nun. Hindi siya mahilig sa mga material na bagay. Bigyan ko lang ng kahit 1 taw masaya na yun, eto pa ang nakakagulat….nung minsan magbakasyon ako, mag Christmas din, syempre may uwi ako para sa kanya, tapos binigyan ko na lang siya ng 1 taw yata yun……nung minsang nangaling kami ng Manila dumaan kami sa Bulacan…yung pera na ibinigay ko sa kanya ibinili niya ng mga paputok, na hindi naman yung malalakas, anu nga ba tawag dun? pikolo nga ba yun?  mga lusis lang saka watusi…mga ganun lang.

Pag uwi ng bahay pumwesto dun sa tapat ng gate namin at ibinenta lahat yung pinamili niya…..natutuwa ako sa anak ko na yun, maliit pa lang marunong ng mag negosyo. Yung mga teks na binibili niya, ibinebenta naman niya sa mga kalaro niya….LOLs. Minsan naman maghahanap ng mga bote saka dyaryo yun, iipinun niya, pagnakaipon na ibebenta naman niya sa magbobote…..marunong siya humawak ng pera…..natmaku nga eh….

Yung bunso kabaligtaran naman ng kuya niya. Ito eh one day millionaire. Nung bigyan ko ng 100 minsan ala pang tanghali ubos na eh, inilibre lahat yung mga kalaro niya…galante….(kanino pa ba magmamana yan….??? LOLs)

Nami-miss ko na ang mga kids ko….lalo na pag ganitong magpapasko. Ilang pasko na din ang dumaan na wala ako sa tabi nila. Nakaka lungkot isipin na ilang taon ang hindi ko nakikita sa buhay ng mga kids ko. Malaking sakripisyo ang ginagawa naming mga OFWs, maraming nawawala sa amin na hindi na pwedeng ibalik……

Sa panahon ngayon……

“is it worth it?”


Responses

  1. ayos ah! negosyante!
    sabagay parang ganyan din akO!
    bumibili ako ng mga ghost stories books tapos ipaparenta ko! nyahaha!

    wala nang libre libre! hakhak!

    • nakakatuwa din kasing makita na ganun ang ginagawa niya….wala namang nagturo sa kanya ng ganun…siya lang talaga.

      malamang siya ang papalit kay henry sy….LOLs

      at tama nga sa panahon ngayon wala ng libre….ang libre na lang eh, mangarap, ang masama baka pagdating ng araw pati pangarap may bayad na rin….huwaahhhhh !!!!!

      LOLs

  2. lahat may pinagmanahan ah ehhe..naka top3 ba si panganay hehe,,

    si boyflawless magaling mukang magkakaron ka ng negosyanteng anak kuya ehhe..

    at ung bunso manang mana nga ehe..

    • hindi pa nakaka top 3 eh kaya wala pa…kailangan pag igihan niya muna…(mahigpit….LOLs)

      ay naku, talagang magaling itong si boy flawless, kahit sa klase nila…nasa top 2 na naman daw eh…..kaya nakaka tuwa…sulit lahat ng paghihirap ko dito, nakaka gaan ng loob….

      ay bunso? manang-mana pati sa kalokohan minana rin….LOLs

  3. mukang mag susunog ng kilay ata si panganay ah hehe..pagbigyan mo na unica ija mo naman sya di ba ehhe..

    si boyflawless masipag nga..may career ang batang yan pwedeng pwede mag artista..

    si bunso, hmmm..malamang na marami din yan paiiyakin na babae..lols

    • ay uu sis..kailangan niyang paghirapan muna… usapan yun eh.
      saka gusto ko siyang matuto na i-value ang hard work….para pag ibinigay ko sa kanya yon….iingatan niya kasi pinag hirapan niya yun eh…

      uu nga pwede ngang mag artista….daming mga tsika babes ang nagkaka-kras daw eh….kaso…hindi siya interesado, ampotek…badinger-z yata….LOLs (hindi naman….)

      si bunso tiyak maraming paiiyakin yan dahil sa kakulitan….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: