Ipinaskil ni: ahkong | Disyembre 23, 2009

Krismas parti

Huwaw….ang saya ng krismas party!!!!

Dahil malapit na ang pasko, naisipan kong mag host…uu…nag host ako ng krismas parti.

Nagluto ako ng ispageting bumababa tapos tumataas….pansit kan…(ung lucky me instant…LOLs), nag roast ako ng isang chicken….(egg). Nakabili ako ng half kilo ng turkey meat, parang ham siya….huwaw…tsarap….at dahil ang nasa party eh nasa edad na 30s…(uy, bumaba ng isang dekada…LOLs) ang aking music sa transistor radyo eh panay New Wave….oh ha?

Ang saya-saya……dahil sa sobrang saya nagmukha nga akong tanga eh…kasi…..

Ako lang magisa ang nagparty…………….huwaaaaaaaa !!!!!!

Seryusli….

Meron namang iba ditong nagkri-christmas party. Yun nga lang parang children’s party ang napuntahan mo dahil panay kain lang naman tapos panay pagpapa cute ng mga boys sa mga gurlaloo na hindi naman maganda…(pero pagdating dito pinag aagawan…LOLs)

Nakaka-miss umattend ng christmas party, lalo na yung company dahil siguradong hindi ka uuwing luhaan….nakaka miss din yung bigayan ng 13th month….ang tagal ko ng hindi nakatanggap ng ganun….ang natatanggap ko dito panay death threats…LOLs

Nakaka-miss din yung pagka galing mo ng christmas party eh umuuwi kang lango sa alak at halos hindi na makalakad at kinabukasan magtataka ka pa kung paano ka nakauwi ng buhay tapos ang almusal mo yung talak ng iyong napaka bait at magandang misis…LOLs

Kahapon, 22 Dec 2009, nag christmas party ang aming family. Lumuwas sila sa Manila, dahil dun sa isang kapatid ng aking labidabi ginanap yung gathering. Sayang nga at hindi ako nakapag online….hindi ko kasi alam na kahapon yun, kanina ko lang nalaman kung kelan tapos na. Pero ok lang naman ang mahalaga yung importante….masaya yung mga kids dahil marami silang gifts na natanggap kasi dun sa lugar ng kapatid ng wife ko eh nandun din ang kamag anaka ko sa motherside.

Ang hindi ko lang sure kung yung mga ninong at ninang nila doon eh nagpakita….LOLs


Responses

  1. hehe nag christmas party kami nung saturday ehhe..nakuha ko sa raffle iron ulit haha..kakaiba naman may tubig na hehe..tapos dami ko tsokolate kasi nanalo ako sa mga laro haha:))

    ang bonus na nga lang ang kulang wala ata ibibgay samen haha..pero aus lang ehhe..

    mamaya uuwi na o ng marikina at sarado ako bukas hehe..

    merry christmas kuya , ahkong..:))

    • Merry Christmas din sis…..
      enjoy you holildays…..

  2. wah! ako di ako naka attend xmas party, jujujuju

    • pareho tayo….

      huwwaaaahhhhhhhhh !!!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: