Ipinaskil ni: ahkong | Disyembre 25, 2009

MERRY CHRISTMAS TO ALL !!!

pers op ol….(ang tigas ng english…LOLs)

babate muna ako…..(parang ang naughty naman pakinggan)

MERRY CHRISTMAS SA INYONG LAHAT !!!!

sa inyo lang….ako dito alang christmas-christmas….walang hali-holiday dito sa gitna ng disyerto….

pinadalhan ako ng picture nung nag family reunion sila last 22 December 2009…..ayun tuloy inggit na inggit na naman ako…LOLs

ang aking unica hija…kasama ang kanyang mga pinsan…..

 

Malaki na ang aking baby…omaygulay…ilang taon na lang at siguradong lalagay na rin sa akala niya tahimik…LOLs

Well ganun talaga, bilang magulang eh, ayaw kong umabot sa ganun, pero dun din naman ang punta talaga nun. Pero hangga’t maaari maging baby ko pa rin siya  habang may buhay na nananalatay sa aking mga ugat…oh ha hebigats nun…LOLs

Ang laki na ng panahon na na miss ko sa buhay nila…. hay naku talagang ganun, ayan ang hirap sa mga tulad kong mga OFWs. Marami kaming nami-miss na importanteng okasyon….tulad ng mga birthdays, graduations, minsan debut….yung mga unang hakbang nila nung baby pa sila, yung unang salita….pati yung mga ganitong Christmas and New Year…

Malaki ang sinasakripisyo naming mga OFWs. Malaki rin ang nawawala sa amin, gaya ng mga nabanggit kong mga okasyon…..kahit magtatambling pa ako mula baclaran hanggang monomento….eh hindi na maibabalik yon sa amin…..hanggang pictures na lang.

Ang isang wish ko lang sana…. matapos muna nila ang kanilang pagaaral…pag tapos na sila sa college….blaha na sila sa buhay nila…pumunta sila kung saan nila gusto. Magaswa sila kung gusto nila.

Ayaw kong mangyari yung nangyari sa kakilala kong tsikas…..nung pagdating ng papa niya mula sa ibang bansa eh, ayun tesbun……..yung insan ko pa nakadale sa kanya….ayun eh di ikinasal sila….hayun ngayon lima na anak nila, nung una aayaw-ayaw yung pinsan ko…LOLs

Teka bakit ba napunta sa pinsan ko yung hwento eh ala namang hwenta…….

Sige na nga at ako’y magmumuni-muni muna dito dahil talagang inggit ako eh….saka homesex…este…homesick na naman ako….LOLs

 


Responses

  1. hahahaha! at pareho talaga kayo ng tatay ko!
    kahit hindi ako unica hija ekshelli panganay ako, baby talaga nya ako!
    alam mo yun tipong sasabihin sa akin ng nanay ko na napakaimmature ko pero heto si papa sasabihin eh baby ko pa yan eh, halika nga dito baby ko!
    oh di ba? at 19 na ako! hahaha!

    maligayang pasko po! kaya mo yan! sana next year makakrismas at new year ka na rin kasama ang family mo!

  2. tenk u sis…..talaga yata ganun, pajero kayo ng aking unica hija, panganay…tapos nagiisang babae pa siya kaya malambing…LOLs

    uu nga sana makapag christmas naman ako dyan sa atin.

  3. ang ganda ng unica hija mo kuya..
    hmmm nakikinita ko na may pinagmanahan talaga..

    • ganun talaga mana-mana lang yan…LOLs
      buti na lang hindi sa akin….bwahh…ha..ha..ha..ha..!!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: