Ipinaskil ni: ahkong | Disyembre 28, 2009

T-Back to the Future

Patapos na ang 2009…..papasok na ang 2010.

2010…..nasa unang yugto na tayo ng 21st century. Noong mga panahon ng 60’s…70’s..80’s… ang prediksyon ng mga luko-luko na sayangtis eh sa taong 2010 daw meron ng mga flying cars in every garage….at kung anu-ano pang ka-ek-ekan chenes na yan.

Actually meron ng flying car….customized nga lang, hindi mass production. Meron na ring mga robots pero hindi yung gaya ng napapanood natin sa mga pelikula. Nagkalat ang robot sa Japan, mula sa household helper hanggang sa fakner sa kama meron din….pero hindi pa ganun ka advance…hindi pa naabot yung talagang vision ng mga sayangtis.

At dahil nga patapos na ang 2009….nauuso na naman ang mga hula-hoop, prediksyon…at kung anu-ano pang Madam Auring epeks. Uu, uso na naman si Madam Auring….

Kaya heto ang aking mga hula sa darating na taong 2010. Teka baka nagtataka kayo, manghuhula rin pala si Boy Kulangot…? Hindi naman, medyo nagkarun lang ako ng mga vision nung madulas ako ay sa loob ng kubeta at maghapon akong nakalublob sa inodoro na may lumulutang na ewan ko parang snickers cholocate bar……awwwrrrrkkkkk !!!!!

Dahil nabanggit ko si Madam Auring eh….sya na ang uunahin kong bigyan ng prediksyon. Nakita ko sa mahiwaga kong inodoro na sisikat na naman si Madam…..talagang paguusapan na naman siya hindi lang sa Pinas kung hindi sa buong mundo. Nakita ko na nagpose na naman si Madam Auring sa isang men’s mag na talaga namang kung todo burloloy sa katawan at kinikilabutan ako sa aking nakita, parang magugunaw ang mundo.

Nakita ko rin sa aking mahiwagang inodoro na magkakarun na ng closure ang gender issue kay Papa Pioling. Magkakarun na siya ng dyowa, sa wakas…… . Ang dyowa niya ay isang napaka gandang…..Abangan nyo na lang…..siguradong kwela to da max. Hindi malinaw eh, basta ang naaninag ko eh nag eespadahan sila….bwaahhhh…ha..ha..ha..ha..ha..!!!! Tapos yung parati niyang sinasabi na anak niyang si Iñigo ba yun? eh Imaginary lang pala yun…kung baga yung ibang bata eh may “imaginary friend” sya naman may “imaginary son”…..oh diva bongga ang vaklush….ahahahaaayyyy !!!!

Nakita ko rin si Krista…bigla siyang nawala sa mundo ng showbiz kasi alam no na, malaki ang tyan niya……….. buntis at nung lumabas yung anak niya kamukhang kamukha ni…………….Mommy Dionese???!!!!…….OHMYGULLAAAYYYYYY !!!!!!

Pacman, nakita kong natalo sa darating na halalan. Nakaupo siya sa isang malaking trono pero malungkot kasi hindi na nga kumita yung walangkakwenta-kwenta niyang Wapakman, eh nawala na rin yung flavor of the month niya.

Eto ang nakakalungkot na nakita ko….. si Doña Glorya eh hindi umalis sa Palasyo. Oo hindi siya umalis kasi ibinabad niya yung sarili nia sa isang batya ng Mighty Bond at idinikit niya yung katawan niya sa Palasyo….ayun parang pandak na Gargoyle ampotek….talagang kahit anong paraan gagawin wag lang maalis sa kapangyarihan….LOLs

Meron akong nakitang nanalong presidente…..at nagkasayahan sa may Golden Gagamba, kahit na nandaya yung nakaupo sa palasyo eh hindi umubra yung kalokohan niya. Pero mukhang hindi rin nagtagal….kasi kalbo na abnoy pa…..(hindi kaya si Noynoy Abnoy yun????)

Magkakarun ng isang damukal na anak sina Juday at Ryan….uu nakita ko parang isang barangay sila. Pero masaya naman sila, at hindi hahatong sa hiwalayan blues yung kanilang pagsasama kasi talagang meant for each other sila eh….kung baga pag pinagdikit mo yung nahating arinola eh tugmang tugma silang dalawa……ahahahahaaay!!!!

Makakatagpo si Rofa ng isang lalaki na ubod ng bait at sila at matutuloy sa pagpapakasal. Kahit na tutol na tutol ang kanyang madir sa lalaking ito na bigla na lang sumulpot sa buhay ni Rofa na parang kulugo……teka…teka…..parang….parang….ako yun ah?!!!

May malaki na namang pagsabog akong nakita……

Grabe itong pagsabog na ito, ito ay mangyayari na naman sa bahay ni Jinggoy….sumabog na naman yung septic tank ng bahay nila at nagkalat na namana ng ebak….LOLs

Hindi makakasuhan ang Ampatuan sa ginawa nilang katarantaduhan. Oo hindi sila makaksuhan kasi bigla silang naglaho na parang utot……..nakita ko na sinama sila ni Taning sa kanyang kaharian at…..at…..anu yun? Nagpa-party pa !!! Sabi daw ni Taning dahil sa buong kasaysayan ng Pinas eh sila pa lang ang gumawa ng ganun….kaya binigyan sila ng party bago sila dalhin sa kanilang pupuntahan….pero wag daw silang magalala dahil hihintayin daw nila muna ang kanilang among si pandak bago sila ilublob sa dagat-dagatang apoy !!!!!

Hanggang dun lang ang aking nakitang vision, bigla kasi akong hinatak ni Ah’Kong at muntik ko na raw maubos yung lumulutang na ewan.

HAPPY NEW YEAR TO ALL !!!!!


Responses

  1. Hindi naman, medyo nagkarun lang ako ng mga vision nung madulas ako ay sa loob ng kubeta at maghapon akong nakalublob sa inodoro na may lumulutang na ewan ko parang snickers cholocate bar……awwwrrrrkkkkk !!!!!

    takte! nandiri ako sa part na yan! ewww!

    ayos sa prediction at talagang feel mo taaga na si abnoy ang mananalo? ohmaygas!

    at si krista majujuntis? oh may! hahaha!

  2. Wala kasi akong maisip na “punch-line” eh….LOLs

    Uu feel kong si abnoy ang mananalo……siya ang mananalo sa saklaan sa may Heritage Hotel….bwahh..ha..ha..ha..ha..ha…!!!!

  3. ayaw mo ba kay abnoy kuya ehhe..
    si piolo di din ako naniniwala na may anak sya sa pagkabinata ahha..di naman nya hawig eh..

    • hindi pa ako kombinsido kay Noynoy Abnoy…..sabi nga may sariling mundo raw yun eh….anu yun autistic..??? LOLs

      hay naku…hindi naman ako naka rehistro na, nawala na ako sa listahan ng COMELEC….hindi ko alam kung san na ako apunta….LOLs

      Teka paano magkakaanak si Papa Pioling ms gusto niya ang guys…sabi nya nga eh….
      “OH NO…NOT AGAIN !!!” LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: