Ipinaskil ni: ahkong | Disyembre 31, 2009

HAPPY NEW YEARRRRRR……….(PLOK !!!)

Meron isang New Year na hindi ko malilimutan. Mga taong nineteen kopong-kopong pa yun, hindi ko na matandaan kung anong year yun pero yung nangyari eh hindi talaga maalis sa aking isip kasi naman tatanga-tanga pa ako noong mga panahon na yun.

Binata pa ako noon at kasama ko ang aking bes pren na si Boy Balat. Kagagaling ko lang sa bahay ni labadibadi noon at syempre dahil December 31 noon, gabi…kaya nagkaayaan tumoma. Nakatambay kami noon sa tindahan ni Popsy ng may dumating na isang tsiakababes, maganda naman. Dahil sa medyo nakainom na kaming dalawa, eh biniro-biro namin yun bebotski.

Aba….sumasakay sa mga biro namin. Inaya namin ngayon yung bebotski sa bahay ni Boy Balat, at dun namin tinuloy yung laklakan.

Kwentuhan syempre, sa pakikipag usap namin dun sa bebotski, nalaman namin na isa pala siyang GRO sa Makati. Dun sa Miles Long sa Makati Square. Aba sosyal na GRO ito sa loob-loob ko…ayusss !!!! Lumabas na naman ang pagmanyakis…LOLs.

Mga 30 minutes before 12 midnight, bago maglipat ng taon, inaaya ako nung bebotski na gustong magpahatid sa akin dun sa inuupahan niyang bahay na malapit lang naman sa lugar namin. Ang problema ko nun hindi ako makaporma kasi si labidabi panay ang silip at baka matyempuhan ako na kasama ko yung bebotski eh mayari pa ako…(uu takot ako eh…LOLs)

Sabi ni katropang Boy Balat siya na lang ang maghahatid at hintayin ko na lang daw siya……OK kako. So umalis na yung dalawa at naiwan akong nagiisa dun sa garden at lumalaklak ng beer.

Ilang minuto na nakakalipas eh hindi pa bumabalik si Boy Balat hanggang sa sumapit na yung putukan……wala pa rin. Ginawa ko umuwi na lang ako at nagcelebrate kami ni Padir sa bahay na parehong senglot…LOLs

Kinabukasan…..nagkita kami ni Boy Balat at sorry ng sorry hindi raw siya nakauwi kaagad at kinwento ang nangyari sa kanya….in short naka-score sya dun sa GRO kagabi. Ininggit pa ako ng ng luko sabi niya dapat daw sana ako ang nandun kaso aayaw-ayaw daw kasi ako…….marami pa siyang kinwento…..basta raw nung sumapit ang 12 ng gabi sinabayan nya raw ng sigaw …….

‘HAPPY NEW YEARRRRRRR !!!!!!!! ………………..(PLOK !!!!)

Mahirap talaga maging good boy laging napag iiwanan…..LOLs


Responses

  1. hahahahaha! ang adik! sayang ka naman!

    pero wag na! baka magalit labidoods mo!

    • honga sayang…naka iscore sana….LOLs….
      pero hoke lang yun, matagal na yun.
      good boy ako….good boy…..sit….bark…”aw..aw….”

      LOLs

  2. haha..naiisip ko na nga susunod na manyayari alam ko aatras ka eh eheh..
    takusa ka rin kasi ata kuya ehhe..peace..

    mas ok na maging honest ka..
    kesa naman pag katapos ng taon eh..
    panget ang kalabasan ehhe..:)))

    • naku sis….hindi ako takusa….isa akong tigas !!!

      Tigas-aing….

      Saka canadian nga pala ako…..

      Magsaing-canadian…
      Maglaba-canadian….
      Maglinis-canadian…

      aray ko…..dapat yata pangalan ko “Andres !!!”

      (“Yes, darling…!!!!) LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: