Ipinaskil ni: ahkong | Enero 2, 2010

Pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon

Patapos na ang Pasko at Bagong Taon….

Panibagong simula na naman tayo… hindi ba parang nakakatamad pag ganitong January. Parang Monday sickness….kasi simula na naman…bakit kaya ganun? Eh tuloy-tuloy lang naman ang takbo ng LRT at MRT…?

Bagong simula ika nga at bagong pag-asa para sa atin. Pwede na nating baguhin yung hindi magandang asal na natin…..gaya nung pangungulangot sa harap ng kainan…(yuuuuccckkkY!!!!) O kaya eh, yung mga isnabera….dapat maging prenster na kayo…aba sige kayo rin….baka magahasa kayo ng mga senglot sa kanto ng Roxas Blvd, walang tutulong sa inyo…..

At dun naman sa mga lalake na mga office boys dyan sa temakats…., wag na kayong mag dala nung parang maliit na paper bag….at nandun yung mga baon at kung anu-anong epeks…masagwa tingnan. Buti pa magdala kayo ng shoulder bag sa tingin ko mas bagay…LOLs

Ibig kong sabihin eh, magdala kayo ng Gym Bag, o kaya yung travel bag na katamtaman lang ang laki para naman magandang tingnan at hindi nasisira ang inyong imahe at dignidad. Wag nap-sack…pangit ding tingnan para kayong elementary o HS studes..Isipin nyo na lang naka long sleeves kayo at neck-tie tapos dala nyo Nap-Sack….ohmygulay….

May bagong pagasa tayo na nakikita….lalo na sa ganitong simula ng taon. Kung sa tingin natin eh napakasama nung taong 2009 para sa atin….. ngayon 2010 sana magbago na yun at kahit paano eh magkarun tayo ng kahit konting ginhawa sa buhay…aba nakakapagod din ano?

Masarap din yung paminsan-minsan eh maghapon ka lang nakahilata sa kama at naghihintay ng pagpatak ng grasya….LOLs

Well,…wish ko…hindi lang para sa akin…kundi sa ating lahat na sana itong taong 2010 at sa darating pang mga taon na maging masagana 99…teka…grocery yun ah?….

Maging maunlad ang ating buhay, magkarun ng maayos at mabuting kalusugan, mapayapang tahanan at higit sa lahat, pagpalain kayo ng Maykapal….at sana tumama na tayo sa lintek na LOTTO na yan….LOLs

Sya nga pala…..hindi ba si Santa eh tuwing sasapit lang ang Pasko nagiging busy. Ika nga eh once a year lang ang trabaho niya…..gusto nyo bang makita kung ano ang ginagawa ni Santa pag katapos ng Pasko? Lalo na pag dumating na ang Summer?

…..

…..

…..

…..

Anakteteng na yan…parang nasira ang Holiday ko ah???? !!!! Bwahhh…ha..ha..ha..ha..!!!!


Responses

  1. Masarap din yung paminsan-minsan eh maghapon ka lang nakahilata sa kama at naghihintay ng pagpatak ng grasya.

    Mas masarap kung madalas ginagawa. Haha. Happy 2010!

    • hAppI nEw yEaR….!!!!
      Talagang mas masarap pag madalas….LOLs
      Siguro magagawa lang natin yun kung kasing yaman na tayo ni Bill Gates….yheeeyyy!!!!

  2. pag ganyan ang hitsura ni Santa wala ng mag hihintay sa kanya na mga bata kasi pagagalitan ng mga magulang nila bwahaha

    • Eh baka bangungutin yung mga bata pag nakita yan….hindi na medyas ang isasabit nila kundi paputok na…LOLs

  3. wah! ang taba!

    • Iniisip ko nga eh….nakikita nya pa kaya si chairman pag dyumidyingel siya….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: