Ipinaskil ni: ahkong | Enero 5, 2010

Peace be with you

 

“Peace is not just the absense of Conflict but the presence of Justice….”

 

Hindi ko alam kung sino ang may sabi nyan….pero kung iisipin natin eh tama nga naman. Maikling salita pero malamim ang ibig sabihin.

Sa atin ngayon, buhat pa noon, paano natin makakamit ang kapayapaan kung parating may conflict at walang justice. Sino ba ang nagsisimula ng mga gulo sa ating inangbayan? Sino pa eh di yung mga namumuno rin….

Gaya na lang nitong mga private armies ng mga gobernador heneral, saan ba naggaling ang mga iyan…san pa di sa gobyerno rin. Ang mga armas ng mga rebel groups na hindi mo na alam kung ano ang ipinaglalaban….saan ba nanggaling? Saan eh di sa gobyerno rin…..minsan sa mga supporter nila sa ibang bansa…kung paano nakakalusot papasok sa atin eh kapabayaan na rin ng ating gobyerno.

Ang krimen sa atin kaliwa’t-kanan na. Ano ang ginagawa ng mga lintek na pulis patola na mga ito? Parang kulang sa police visibility eh. Ang mga pulis pangkalawakan kasi natin panay porma lang yata ang alam. Hindi naman lahat ano? Pero sa nakikita ko lang eh, laging nakatambay lang sa mga Gay…este…sa mga bar at binabantayan yung bata nilang mga GRO…asus !!!!

Ang crime rate natin, kung mapapansin ninyo, biglang tumaas nung kalagitnaan na ng 2009. At mapapansin nyo rin, nung magsimula ang economic meltdown….(tama bang term  yun?) eh biglang dumami ang mga kriminal sa atin. Para bang wala na ang takot ng mga ito sa alagad ni kalantyaw….este…sa alagad ng batas. Wala ng pinipili ang mga pusakal na mga ito. Dati ang mga holdapan eh tuwing gabi lang…ngayon in broad daylight ginagawa na nila. Bakit?

Hindi rin patas ang batas sa atin. Ang batas sa atin may kinikilingan….nakakainis di ba? Gaya nitong mga Ampatuan….balita ko VIP treatment sila. Tama ba naman yun? Samantalang yung mga ordinaryong tao na nakakulong eh parang hayup ang buhay nila sa loob ng kulungan. Pero itong mga demonyo na ito eh pasarap ang buhay kahit nakakulong. Parang si Luslos…este…si Jalojos…(tama ba spelling ko?) aba ganda ng kulungan sa bilibid nyan. Naka aircon….may sariling TV…eh parang nagbakasyon lang ang lintek na mga yan.

Hindi ako magtataka kung balang araw eh maging parang Western tayo..parang mga koboy…lahat may dala ng baril kasi hindi na kayang protektahan ng ating gobyerno ang mga tao sa mga masasamang elemento.

Nasira ang ating Justice System….naging corrupt. Dapat nga walang kinakampihan ang ating Justice kasi kaya nga nakapiring amg mata di ba? Pero dahil sa corruption na parang cancer na sumira sa ating lipunan eh ewan ko na alng kung ano ang mangyayari sa atin. Baka maging parang Somalia tayo….walang gobyerno….

Sana abutin ko yung panahon na talagang at peace na ang ating bansa. Kung ma-rest in peace naman ako eh sana maranasan ng mga anak ko yung talagang payapa ang bansang Pilipinas. Yung kahit maglakad ka sa isang madilim na kalye eh hindi ka matatakot kasi alam mong walang mangyayaring masama.

Yung bang tipong  tumatakbo kayo sa isang magandang bundok o hill na parang kumakanta kayo ng…..

DO…a dear a female dear…

RE…a drop of golden sun…

(parang Sound of Music yun ah….LOLs)

Hindi ko alam kung paano natin mapagtatagupayan ang laban na ito, pero maganda siguro na simulan natin sa ating sarili….

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: