Ipinaskil ni: ahkong | Enero 9, 2010

Palimos po…..

Nakaisip na ba kayo ng fall-back kung sakaling matanggal kayo sa trabaho at talagang kahit anong gawin nyo eh hirap na hirap na kayo sa kakahanap ng trabaho? Ika nga eh no choice na kayo……

Ako meron na…..ang pamamalimos sa kalsada. Magandang raket yan….bakit ka nyo?

Isipin nyo ha….. kung sa maghapon na pagala-gala sa kalye eh makakakuha ka ng piso sa bawat tao na masalubong mo eh…aba…malaking pera yun…tax free pa…

Kung sa isang araw eh ang magbigay sa iyo 1 libong tao na piso bawat isa, ibig sabihin nun may isang libo ka sa isang araw. Mataas pa ang sahod mo sa mga callboy dyan sa Makati. Kaya nga hindi ba pinasok na rin ng mga sindikato ang street hustling kasi nga malaking pera nga naman.

Meron nga minsan eh ganito ang nangyari may isang pulubi na lumapit sa isang callboy (call center boy):

Pulubi : “Palimos po….pambili ng pagkain…”

Callboy : “Sige po eto piso….” Inilagay dun sa latang dala-dala

Mga ilang araw nagkasalubong na naman yung pulubi at callboy…..

Pulubi : “Palimos po….”

Callboy : “Ale kayo na naman….sige po eto ulit piso….pero bakit dalawang lata na ang hawak ninyo?”

Pulubi : “ah ito ba…eh iho…nagba-branch out na ako….aseso na eh…”

LOLs

Oh diva….may sariling expansion ampotek….

Kaya nga kaya-kanyang raket lang yang pamamalimos eh….tingnan nyo sa U.S. ang mga namamalimos…iba-iba ang gimik at raket:

Pakapalan lang ng fez yan at pagalingan ng raket……


Responses

  1. mas malupet ung huli nakasama pa nya si lindsay lohan hehe..

  2. pagnakasama mo pala si lindsay lohan ubos ang pera mo….nyahhh…ha..ha..ha..ha..ha…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: