Ipinaskil ni: ahkong | Enero 15, 2010

Aba Tar-tar… Bagong Buwan at iba pa….

Bisi-bisihan na naman ako…kami pala, dahil malapit ng mag inventory at patayan na naman ang trabaho.

Katunayan eh dahil sa tindi ng work load ko ngayon eh limang araw ko ng ginagawa itong post na ito, hindi matapos-tapos dahil sa lintek na FarmVille na yan…naa-adik na ako…LOLs

Heniwaei…Naka bili ako ng debede ng Avatar….at dahil bago ensayted akong panoorin. Ngayon lang yata ako nakabili ng debede na ilang araw pa lang sa movie houses eh meron na agad sa debede….LOLs

Ok naman ang kopya, malinaw saka hindi kuha sa sinehan. Parang DVDRip na rin.

Sigurado ako 95% sa inyo eh napanood na ang movie na ito. Ang ganda ng pagkakagawa lalo na dun sa forest kung titingnan mo parang totoong-totoo yung environment nila. Mas maganda sigurado ang 3D version talagang mapapaindak ka sa galak…LOLs.

Ang story ng Avatar eh, hindi naman bago…..ilang beses na rin naging tema sa ibang movies ang hwento.Magkatulad din sila ng Dances with Wolves ni Kevin Kosme, ginawa lang aliens yung mga Native American Indians. Kung titingnan ninyo pareho yung mga Na’vi saka mga Native Americans, pareho silang sumasamba sa nature saka yung mga ayos nila ganun din.

Kung iisipin eh may political angle din ang movie….hindi ko na ie-elaborate at hahaba lang ang baba ko, kasabihan nga eh pag usapang politics eh walang katapusang hwento yan.

In short kahit ordinaryo lang ang hwento ng Avatar isa pa rin ito sa pinakamagandang movie na napanood ko.

Nakabili rin ako ng bagong buwan…..as in New Moon….hano ba kayo? Baka sabihin ninyo…”OMG ang baduy moooo!!!!” Hindi naman, maganda naman ang story ng Takipsilim eh, nakaka asar lang dahil ang bagal ng pacing ng storya. Tapos ang akting nung bidang bebot eh ganun pa rin…..hindi mo malaman kung tuliro ba o sabog sa ipinagbabawal na utot o masama ang tiyan dahil sa panis na kinain o naaatat na dahil utog na utog na siya…ewan ko. Si Edward naman eh para natuyot na namayat, konti na lang bampira na talaga. Buti pa yung isa….sino ba yun? Nag buff ang katawan….konti na lang magkapareho na kami….LOLs

Heniway, mas maganda pa yata eh sa libro, mas ok pang basahin na lang. Kaso mahal naman ang mga pocketbooks dito sa Saudi….nasa Hundred Riyals din…aba libo na sa atin ang halaga. Ikakain ko na lang yun….Tiktik na lang babasahin ko nakakapaginit pa….ng ulo…LOLs

Alam nyo eh mahilig talaga ako sa movies, kahit nung maliit pa lang akong kulangot na parating nakadikit sa ilalim ng lamesa eh lagi kong inaabangan ang mga Now Showing sa TV noong araw.

Noon kasi every week may bagong movie sa mga sinehan. Pinoy man or foreign. Pag Sundays noon may isang palabas sa Channel 13, from 11:00am to 12:00nn, panay movie trailers lang. Isang oras na panay trailer yun, mula sa Now Showing hanggang sa Coming Soon….Masigla pa ang Movie Industry ng Pinas noong araw na yun. Magaganda rin ang quality na ipinapalabas sa mga sinehan.

Mura pa ang sine noon, tanda ko eh 18 petot lang yata…ngayon ewan ko kung magkano dahil ang huling pasok ko sa sinehan noon eh yung Talong…..tapos may lalapit sa iyo na babae…sabihin na bente-singko jakol…anakteteng na yan…sa may Quiapo yun…LOLs Tapos pag pasok mo ng sinehan eh nangangamoy clorox….bwahh..ha..ha..ha..ha…

Haynaku…simula nun hindi na ako nanood ng sinehan sa bandang Quiapo baka masimsim lang ang bango ko…mahirap na baka paglabas ko ng sinehan eh hindi na ako makalakad….LOLs

Magkano ba bayad sa sine ngayon? Hindi ko na alam……buti na lang kahit pirate na debede eh nakakapanood ako, ito lang naman ang libangan dito sa Saudi pwera na yung isang libanagan….bwah..ha.ha..ha..ha…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: