Ipinaskil ni: ahkong | Enero 15, 2010

SPO1 Bukayobukaikai

Meron akong nakilala kahapon. Si SPO1 Bukayobukaikai. (hindi nya tunay na pangalan…wala lang akong maisip na maayos na alyas eh…LOLs)

Nakilala lang ito ni Boy Liit dahil minsan napunta sa shop namin at nagka-ibigan sila…este…nagkakilala sila. Alam nyo nakakaawa itong istorya na SPO1. Kung bakit SPO1 eh malalaman nyo rin sa hwento ko.

Ang nangyari kay SPO1 eh nakakahiya na nakakainis. Bakit kanyo? Ganito yan….

Isang buwan na mula ng dumating dito si SPO1 Bukayobukaikai….first timer sa Saudi. Sa Isabela siya nakatira…sa Norte. Ilokano rin ba yun? Hindi ko sure pero may punto siyang Ilokano. May nakilala daw siya sa airport, sa arrival na pinoy din at kinaibigan siya. Dahil sa bagong salta dito sa Saudi at pinoy din naman ang nakilala niya, nagtiwala agad siya.

Nilibre pa raw siya ng pagkain nung pinoy na nakilala niya sa airport. Sabi niya may peso siyang dala at hingi nung pinoy,  papalitan daw. Binigyan muna siya ng 10 riyals at hiniram yung cellphone niya dahil lowbatt daw yung cp nung pinoy. Pinahiram niya….at sinabihan siya na lalagyan ng load yung cellphone niya.

Mga ilang oras din daw sila sa airport…..tapos daw, pinabili siya nung pinoy ng candy sa tindahan, binigyan siya ng 1 riyal….hayun nunh pag balik niya wala na yung pinoy. Wala na siyang pera wala pa yung cellphone niya….

Ang nakakainis, kapwa pa natin pinoy ang tumira sa kanya….namumukhaan nya raw hindi nya raw malilimutan ang fez ng walanghiyang alibaba na yun. Maliit lang naman ang Khobar sabi ko sa kanya, pagnakita mo padampot nya agad sa mga pulis patola dito.

Eto pa ang isang nakakahabag ng damdamin sa nangyari sa taong ito. Pagdating niya sa company niya…..yung pangako sa kanyang sahod hindi rin nasunod. Ang sweldo nya lang eh 600 riyals lang. Magkano lang yun sa peso? PHP 7,000 mahigit lang….saan makakrating yun. Sa 600 riyals na yun kasama na raw ang food allowance nila…eh may asawa’t anak siya, paano mabubuhay sa ganun ang pamilya niya? Ako nga kinakapos pa rin eh…siya pa kaya?

Lumapit sa akin kahapon at gustong mag part-time dito sa office. Kasi ang trabaho nya pala dun sa ospital eh teaboy pati na rin housekeeping. Tanong ko sa kanya bakit mo tinanggap yung sweldo, masyadong mababa yun. Naloko raw siya sa atin pa lang…sa agency pa lang daw. Pangako daw sa kanila eh dollars ang kikitain nila.

Heniwei, tinulungan ko na makapag part time dito sa office dahil itong teaboy naman namin eh talagang paalisin na rin dahil tamad…..laging tulog ampotek na yan. Patatpusin lang muna itong month na ito at next month, February eh makakapag simula na si SPO1 dito.

Oo nga pala bakit SPO1?

Graduate pala siya ng Criminology dyan sa atin. Nagulat ako, kako bakit ka pumasok ng ganitong trabaho hindi ka na lang pumasok ng pagka pulis. Sabi nya kailangan nya pa rin ng pera dahil hindi raw basta-basta rin nakaka pasok….palakasan din daw.

Alam nyo mga prens…..minsan akala ko malaki na ang problema ko, hindi pa pala….somewhere, meron palang mga tao na mas malaki pa ang pinoproblema kesa sa akin. Akala ko malas ako sa buhay dahil sa mga dumarating sa akin…..pero meron pa palang mas mabigat na nangyayari sa iba.

Naisip ko pa rin na maswerte pa rin pala ako dahil buo ang pamilya ko…..meron kaming bubong na masisilungan….meron akong mga anak….kahit nahihirapan kaming magasawa, kahit may dumarating na problema sa amin eh maswerte pa rin pala kami.

Napatunayan ko rin na hindi lahat magiging masaya sa pera. Kahit gaano pa kayaman meron at meron pa ring kulang…… Ang boss ko saksakan ng yaman, halos nasa kanila na ang lahat pero ang mga anak niya may defect. Yung mga anak niyang babae panay deformed ang mga kamay at paa…..

Ako kahit anak lang ng isang hampas lupang sendor eh, malulusog ang mga anak ko, matatalino at magaganda….buti na lang hindi nagmana sa ama nilang praning…LOLs

Minsan kasi nalilimutan na natin ang mga bagay na simple…..hindi natin napapansin yung mga ordinaryong mga bagay sa paligid natin….pero blessing pala iyon sa atin.


Responses

  1. nakakalungkot naman ang nangyari sknya ..grabe naman ung nanluko sknya nasikmura nya un sa kababayan nya..tsk tsk..

    maswerte pa rin talaga tayo..
    sana makabawi sya..
    yang pag tulong mo kuya, papalitan din yan ni bro.:D

  2. uu nga nakaka-awa talaga itong si SPO1 kaya gusto kong matulungan…

    hindi naman ako humihingi ng anu mang kapalit sis, basta naka tulong ako eh ok na ako dun.

    (o di ba pulitikong-pulitiko ang arrive…LOLs)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: