Ipinaskil ni: ahkong | Enero 17, 2010

Drive Safely

Alam nating lahat na nagkalat na sa kalye ngayon ang mga motorsiklo. Nung huling uwi ko eh sa bayan namin sa bayambang, lahat yata ng tao may XRM o Wave o kung anu pa man ang motor nila. Dahil sa mura na, isa ito sa cheapest public transport. Ang mahal-mahal naman kasi ng kotse, luxury na masyado kaya ang mga kabayan natin eh opted sa mura.

Pero delikado ang motor. Kasabihan nga na Pag nagmamaneho ng motorsiklo eh ang isang paa nasa hukay. Tumaas din ang statistc ng aksidente related sa motorsiklo. Kasi naman karamihan eh matitigas din ang ulo. Marami akong nakikita na buong pamilya sakay nung motor, aba eh pag nahagip ng malalaking bus yun tigok lahat sila. Lalo na sa EDSA, ang mga bus driver mga wala ring pakealam….mga kaskasero rin.

Yung iba nating mga kabayan eh minsan hindi na nila binabasa ang manual ng motor. Basta lagyan ng gasulina patatakbuhin na…..

May mga Safety rules ang pagmamaneho ng motor.

1.) Check yung tires dapat ang hangin sa ulo…este…hangin sa gulonh ng palad eh sakto lang ang psi.

2.) Check ang oil. Dapat alam mo kung kailan ang palit ng langis para hindi agad masira ang ulo mo…LOLs Jokes lang….

3.) Yung chain. o kadena dapat laging may langis din o grease, sa ibang motorcycle manual, advise nila na after mong gamitin ang motorsiklo, lagyan ng grease ang mga chains after 1 hour.

4.) Laging magsuot ng helmet. Ito ang isa sa pinaka importante sa Safety ng motocycle. Karamihan kasi binabale wala ito. Marami akong nakikita na walang helmet. Hindi bale kung malapit lang at walang gaanong kasalubong o sasakyan na madadaanan, pero kung sa mga highway, dapat naka suot ng helmet.

Sa lugar namin, hindi ka makakapunta sa ibang bayan, tulad kung pupunta ka ng Camiling dapat naka helmet ka kung hindi huhulihin ka ng mga bwaya ng LTO. Mahirap pa naman kausap ang mga bwaya na ito…lahat maangas.

Mura lang naman ang Helmet. 2,000 + magandang quality na yun. Wag kayong bibili ng helmet na tig 500 at siguradong wapakman ang ulo ninyo pag nagkataon dahil low standard ang mga yon. Lalo na yung minsang bakasyon ko, nililinis ko yung motor ko may lumapit sa akin na naglalako ng helmet…tanong ko kung magkano? may 300…may 500….800. Kako hindi na, hindi ko pagpapalit yung murang helemet sa ulo ko kako. Di bale na bumili ako ng mahal at least kampante ako na safe ako kung sakaling sumemplang ako.

Pero nasa sa inyo rin naman kung gusto nyong mag suot ng helemt o hindi sa akin lang naman eh mag iingat lang tayo…..Drive Safely ika nga. Dahil wala naman mawawala kung mag iingat sa pagmo-motorsiklo.

Kung sakaling wala kayong pang bili ng helmet…pwede kayong gumamit ng kaldero. Marami sa kusina nun….gaya ng ginawa nitong taong ito….

May helemt ka na may lutuan ka pa…..san ka pa???!! LOLs


Responses

  1. astig na helmet.

    pero napansin ko rin, bike lang ang minamaneho niya a.

  2. pero merong accelerator para sa gas….baka yung bike na motor….yung pwedeng de-pidal pag naubusan ng gas…LOLs

    meron akong ganun dati…taena parusa pag wala ng gas…hirap kayang magpidal…LOLs

    pero hindi naman kaldero helmet ko….yung wok naman…bwah…ha..ha..ha..ha…

  3. dati gustong gusto ko makabili ng motor at matuto mag drive..
    kaso nung ang dami ko nakitang na aksidente ayoko na hehe..

    tamang angkas na lang ako minsan..

  4. nasa nagda-drive din naman yun sis…. and always think about safety first ika nga bago mag drive.

    kasi yung ibang nadidisgrasya eh karamihan mga naka laklak, tapos ang bilis bilis magmaneho akala mo ala ng bukas….

    si labidabi nga pag nagmotor mabilis pa yung lakad ko eh….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: