Ipinaskil ni: ahkong | Enero 22, 2010

16 Years Wedding Anniversary

16 Years…..uu umabot na kami ng 16 years. Dapat kahapon ko pa i-post ito pero tinamaan ako ng katam…LOLs

Kahapon Januray 21, 2010 ang ika-16th year Wedding Anniversary namin ni labidabi. Nabigla rin ako ganun na pala katagal ng mula na isuko ko ang aking pagkabinata…..ganun na katagal ng mula ng ako ay pikutin ni labidabi? LOLs

Sa 16 years na yon, marami kaming napagdaanan, may masaya…may malungkot….may drama, may comedy…at may action…uu may action lalo na pag binabato na ako ng kaldero…bwah..ha..ha..ha…

Bigla kong naisip na sa 16 years naming pagsasama, bihira kami mag away…pero syempre hindi naman mawawala ang pagaaway ng mag asawa….part ng relationship yon, it is one of the things that make the relationship strong ika nga. Meron ngang nagtanong sa akin paano daw namin na maintain ang aming pagsasama kahit na mas marami ang downs kesa sa ups…..simple lang ang sagot ko….

Ang asawa dapat hindi lang asawa kung hindi dapat kaibigan din…..dapat best friend. Minsan kasi sa pagsasama ng magasawa nawawala ang romance…lalo na pag para kayong binagyo ng problema…. dapat dalawa kayong haharap dun, hindi lang siya o ikaw…dapat kayong dalawa. No matter what….di ba nga sa kasal may sumpaan na…

“Sa hirap ang ginhawa….”

Ang isa pang nagpapatatag ng pagsasama eh dapat ang responsibilities hati kayo with love and respect, sigurado akong magiging matiwasay ang married life pag ganun.

Sa amin kasing mag asawa I decide on bigger issues tapos ang aking labidabi ang nagde-decide on smaller issues gaya ng….magkano ang dapat naming i-save. o kaya kung kelan kami dapat bumisita sa mga in-laws namin, kung anong klaseng gamit ang dapat sa bahay, sa monthly expenses, kung dapat ba kaming kumuha ng maid o kasambahay…..i let her decide sa ganitong mga smaller issues, agree lang ako.

Sa mga decisions ko naman para sa mga big issues, gaya ng….

Dapat na bang umalis ang mga kano sa Afghanistan at Iraq…. o kaya dapat bang ikulong si Hayden Kho sa ginawa niya kay Katrina, o kaya dapat bang magalit si Kris sa asawa niya, dapat bang makulong o i-firing squad si Ampatuan Jr….dapat bang ipako sa krus o balatan ng buhay ang mga Arroyo……..mga ganitong issue eh oo lang ng oo si labidabi.

O di ba…wala kaming pinagtatalunan….yung nga lang eh para na akong tanga sa ginagawa ko…bwah…ha..ha..ha..ha..ha…

Seryusli ispiking…..

I would like to greet mg loving wife a Happy 16th Year Anniversary !!!!

Alam kong malaki na ang pagkukulang ko sa inyo pero alam ko rin na naiintindihan mo kung bakit ako nandito. Alam ko rin na mahirap ng nagiisa dyan sa atin at ikaw lahat ang nagaasikaso, lalung-lalo na sa ating mga tsikiting gubat….

Thank you for being a loving wife and mommy sa mga kids.


Responses

  1. wow..a happy aniv din kuya..if im not mistaken eh nung isang taon binati ko rin kayo..medjo di ko na rin matandaan haha..isang taon na rin kasi akong sumusubaybay sayo..(fan mo ko akswaly haha)

    i hope na this time makasama mo na sila ng lubos.wag ka na mag pakantanda jan.wak mo gayahin si ahkong na di ata nakapag asawa haha..

    heneways.. have a gudluck and more years na pagmamahal at pagsasama..
    pwede ring more chikitings t come hehe..:D

  2. thanks sis….
    uu tanda ko ung isang post na yun….naka 1 year na pala…parang kelan lang uhugin pa ako na pakalat-kalat sa lansangan ng Parañaque…LOls

    hay naku sis…tama na yun 3, masaya kung marami pero sa panahon ngayon tama na yun….masarap na mahirap parang ganun….

  3. keep it strong.. happy anniversarious.

  4. thanks brader…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: