Ipinaskil ni: ahkong | Pebrero 3, 2010

Organized Crime

“Daddy…..ano po ang “Organized Crime”???

Yan yung isang tanong nga aking tsikiting….syempre nagulat ako at bakit nya tinatanong sa akin….

Sabi ko bakit mo naitanong…? Kasi daw yung binabasa niyang pocket book eh may salitang ganun, medyo naguguluhan daw siya.

So ipinaliwanag ko sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng “Organized Crime”. Sabi ko ito ay isang masamang bagay na hindi dapat tinutularan. Ang Organized Crime ay isang sindikato na gumagawa ng mga bagay na labag sa batas….gaya ng racketeering, illegal drugs, money laundering, prostitution at kung anu-ano pa.

Ang pangunahing gawain ng isang Organized Crime ay i-legitimize nila ang kanilang mga negosyo para hindi sila nahahabol ng batas. Ang mga gumagawa nito ay ang mga Mafia, Yakuza…saka ang mga Chinese Triad.

Dahil sa malaki ang kinikita ng mga ito kaya marami ang napapasali sa kanila kahit na alam ng mga ito na ilegal ang gawain…..

Tapos sabi ng anak ko….”Ibig sabihin daddy, pag myembro ng isang organized crime eh madaling yumaman…? ”

Sabi ko…”bakit gusto mo bang sumali sa mga ganyan….”

“Opo daddy…..iko-consider kong maging career ang Organized Crime para yumaman na tayo…”

Aba magaling na bata…basta pag dating sa kalokohan eh manang-mana…LOLs

Sabi ko…

“Saan naman…..Sa Gobyerno o sa Private Sector….?”

LOLs


Responses

  1. haha,,pwede daw bang both hehe..

  2. patay tayo dyan… mukhang may politiko in the making..

    wag naman sana (sign of the cross)

  3. @sis lovely
    @bro jason

    hongga…mukhang may papalit na kay money bilyar….LOLs

  4. hahahahaha! lokong bata! parang kapatid ko lang yan ah… masyadong loko loko! takte! apir tayo dyan!

    • hello sis…tagal mong nawala…pareho tayo…ahiihihiihii

      honga lukong bata…mana sa ama…LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: