Ipinaskil ni: ahkong | Pebrero 15, 2010

O.D.

Pers op ol…..Hapi Balemtayms sa inyong lahat. Sigurado ako puno o fully booked ang mga hotel, motel, lodge at kung anu-ano pang maliit na kwarto sa buong metro manila….LOLs

(Tuwang tuwa mga roomboy nyan…daming boso…LOLs)

Sekondli…..gusto kong humingi ng paumanhin at ngayon lang ako nakapag post dahil bisi-bisihan talaga kami at hindi ako maka-bawi-bawi nga talo sa Poker (sa FB)….LOLs

Heniwei….kahapon February 14, 2010 ang petsa na hinding-hindi ko malilimutan sa tangang buhay ko.

Dahil sa ang sakit-sakit ng aking ngipin, bumili ako ng isang box ng Panadol, (paracetamol), at tinira ko agad ang dalawa. (500mg ang isa). Pero wa epek pa rin. Habang nag tatrabaho ako nawawala yung aking konsentrasyon dahil nga masakit talaga. Hindi naman ako makaputan ng dentist dahil ala pa akong datung, kaya tinitiis ko na lang muna tutal may pain reliever naman ako. Bago ako umuwi uminom ulit ako ng 2 gamot.

Nung kinagabihan pag uwi ko nag luto pa ako ng sinigang para pang ulam, pero hindi ako maka kain. Masakit talaga pero pinipilit ko tapos nun, nag take ulit ako ng 2 paracetamol. Pero ala talagang epek. Heto na naramdaman ko para akong nahihilo at neausea, nasusuka-suka ako. Parang umiikot yung paligid at pakiramdam ko nangangapal yung aking fez.

Binasa ko yung papel na kasama dun sa box ng Panadol…anak ng teteng na O.D. yata ako, dahil yung symptoms katulad ng nararanasan ko na yon.

Ang masama kailangan malunasan within 48 to 72 hours kung hindi magkakaron ng liver damage at baka matigok ako, kaya ginawa ko nagpasama agad ako dun sa isang kasamahan ko at punta kami ng ospital.

Nung nasa emergency na ako….para akong hilong talilong…parang high na high ako, parang nakahitit ako ng ipinagbabawal na utot ni Hyden Kho….

Ginawa sa akin ni Doc…tsinek nya yung aking tyan sa bandan liver kung masakit, hindi naman kako….tapos check ulit….pagkatapos nun may sinaksak sa braso ko na dalawang fluids diretso sa dugo at pinainom ako ng tubig na may gamot….Tingin ko nga dun sa Sudanese na nurse ang ganda-ganda eh……LOLs (epekto yata ng gamot yun)……ilang minuto lang ok na yung pakiramdam ko. Nawala yung sakit ng ngipin saka yung sakit ng ulo ko nawala na rin.

Habang nakahiga ako dun sa emergency naramdaman ko nadyi-jingle ako pero tinitiis ko lang kako sandali lang naman ito…pero magiisang oras na ako dun parang sasabog na yung pantog ko. Talagang gusto ko ng umiihi pero ang tagal nung nurse.

Mga 30 minutes pa bumangon na ako, hinanap ko na yung nurse at attending doctor, sabi ko ok na ako…..nawala na yung neausea na nararamdaman ko, nawala na yung sakit ng ngipin. Sabi nung doc dun sa nurse kuhanan ako ng semilya…este…ng BP, pinahiga ulit ako nung nurse dun sa kama, akala ko pagsasamtalahan na ako eh….akala ko magpapasasa na sya sa mura kong katawan….LOLs

Habang kinukuhanan ako ng BP tinanong ko ung nurse kung saan ang restroom kasi naiihi na ako kako….itinuro niya yung isang pinto na katabi lang ng hinihigaan ko….anak ng teteng na yan tiniis ko yung maihi-ihi ka na eh nasa tabi lang pala yung banyo..taena wala kasing nakalagay na sign eh…..LOLs


Responses

  1. buti at di ka naihi sa higaan mo hehe..
    pabunot na kasi yang ngipin na yan hehe…

  2. muntikanan na ako ma dyinggel kamo….LOLs
    honga..pag sahod talagang pabubunot ko na ‘to….hanggang ngayon nangingilo-ngilo pa eh….sakkkiiiiiittttt!!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: