Ipinaskil ni: ahkong | Pebrero 16, 2010

15 years ago…..Feb 16 1995

15 years ago nung ina kitang makita. Akala ko nga hindi ka normal kasi yung ulo mo pahaba, buti na lang nakuha sa hilot ng nurse.

Nung lumabas ka talo-talo na kami ng mommy mo. Ayaw ko na sa kanya kasi ikaw na ang labs ko….LOLs Jokes lang yun, syempre mahal ko rin si mommy dahil kung wala siya wala ka rin. Ikaw ang pinaka magandang gift na natanggap ko noon, tuwang tuwa ako sa iyo nung natututo ka pa lang magsalita pero hindi ka bulol, matatas kang magsalita.

Yun nga lang kailangan kitang iwan nung 6 months ka pa lang kasi kailangan kong kumayod para sa inyo.

Kahit ganun pa man eh, natutuwa ako sa iyo dahil kahit minsan matigas ang ulo mo, lumaki kang magalang at mabait. Lahat ng hirap ko dito sa ibang bansa eh nasusulit dahil magaganda ang grades mo sa school. Alam kong marami ng nanliligaw sa iyo pero may tiwala naman ako sa iyo na alam mo kung ano ang priorities mo.

Ang bilis ng panahon……15 years na agad. Kung susumahin sa 15 years na buhay mo wala pa sa kalahati na nakasama mo ako.

HAPPY BIRTHDAY PANGET !!!!

(saka na lang regalo mo pag uwi ko…..)


Responses

  1. walang picture hehe..
    pahapi berdei sa unica hija mo kuya..

  2. kakaawa nga eh…ala daw siyang handa…kako saka na lang siya maghanda pag 18 na siya…LOLs (kuripot ng tatay eh….)

  3. xempre dapat bongga na ang handa sa 18 ng unica hija mo hehe..
    minsan lang ang debut..:D

  4. uu…pinaghahandaan ko na nga eh. ngayon pa lang nagiipon na ako para sa debut niya. kailangang bonggang-bongga ang party niya.
    balak ko nga magre-rent pa ako ng mosiko eh……uu, yung parang pag pyesta sa isang kugar maaga pa lang nang gigising na yung mosiko nagiikot na sa lugar….LOLs

    pinag iisipan ko rin kung sino ang pwede niyang escort….si richard ba o si dingdong….LOLs

    tapos ipapa publish ko sa YES! magazine…….shobiz na shobiz…..LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: