Ipinaskil ni: ahkong | Marso 20, 2010

Ang Pagbabalik

Hello prens…..

Ang tagal ko rin palang hindi nakadalaw dito. Meron lang akong inasikasong personal na problema kaya ngayon lang ako nakapag update. Kailangan kasing personal kong asikasuhin eh.

Hindi ko na iwewento dahil ala namang hwenta. Ang importante eh buhay pa si Ahkong as kasalukuyang nandun sa loob ng kubeta at bumoboto ng paborito niyang kandidato si Money Villarroyo…..LOLs

Ako ay nag soul-searching. Nagpunta ako sa Hofuf…..sa Judas Cave. Oo nagpunta ako dun sa kweba na pinag taguan ni Hudas nung ipagkanulo nya si Hesus sa mga hundyo at ako’y nagnilay nilay. Tinanong ko ang aking sarili ano ba ang aking misyon sa buhay. Ano ang aking purpose at iniligay ako ng Diyos dito sa mundo…..

Sa aking pagiisip eh…nadiskubre kong maghahating gabi na pala at kailangan ko ng bumalik sa Al-Khobar ampupu na yan…..

Mahirap magdesisiyon kung ang nakasalalay eh ang kinabukasan mo at ng iyong pamilya. Tulad na lang ng aking pinag iisipan…..mage-exit na ba ako o hindi muna, sa tingin eh napaka simple pero kung iisipin natin eh maraming komplikasyon maraming tanong na pumapasok sa gamunggo kong utak.

Sa totoo lang, talagang buryong-buryo na ako dito, lalo na sa mga kasamahan ko. Feeling ko masyado na akong nagpapaka martir dito. Sobra ang racism dito, porket Pinoy ako eh utusan na ako…..S..H..I..T..!!!!!

I am sick and tired of these people….!!!

Pero nagpapakalma pa rin ako….kailangan eh…lagi kong sinasabi sa sarili ko na konting tiis lang, kung paano ako ginagawang gago ng mga ito kailangang ko rin silang gamitin para sa sarili kong kapakanan….bwahh..ha..ha..ha.ha..ha..ha…!!!! Kasabihan nga eh…Its a Dog Eat Dog World..!!!!

Lagi ko ring iniisip na sa huli sa akin ang huling….utot…LOLs

Heniwei, sobra kong na miss ang pagsusulat ng mga kalokohan dito sa ating tambayan ng mga walang magawa sa buhay. Syempre na miss ko rin ang ating mga katropapips…kaya kailangan ko silang bisitahin sa kani-kanilang mga bahay at ipaalam na si Ahkong at si Boy Kulangot ay sumakabilang buhay…..ay mali….sorry….nak on yor door….

…ang Dynamic Duo na si Ahkong at Boy Kulangot ay nagbabalik.

(pahabol : Bukas naka schedule akong bunutan ng anakngteteng na ngipin ito…..oo nung Wednesday lang ako nakapunta ng dentist at may infection na pala ang aking ngipin…kailangan ng tanggalin…….takot aku!!!)


Responses

  1. Ahkong,

    Bago lang me nakabisita sa site mo… kakatawa ka… but intersted ako sa sugpuan mo last year, ano nangyari doon. Plan namin mag invest kasi sa Dasol, maganda daw talaga yang business na yan, pag marunong at matiyaga caretaker.

    • salamat sis amalia at nakakapagbigay tayo ng kasiyahan. (oh diva politikong politiko ang dating parang si money villarroyo…LOLs)

      heniwei sa iyong katanungan….maganda talaga ang sugupuan dahil malaki talaga ang kikitain….sa compute nga namin eh sa isang tonelada na ani nasa milyon ang kikitain…..

      sa kasawian palad eh minalas kami….ilang bagyo yung dumaan last year sa atin at nag over flow yung fishpond….kaya itinigil na namin ng bilas ko dahil lumalaki ang overhead namin lugi pa kami.

      ang nakakatawa nung huling uwi ko sakto anihan…..anak ng teteng na yan ang nakuha namin imbis na isang tonelada….isang balde na karamihan eh tilapia….LOLs yung sugpo namin naging tilapia ampupu na yan….ayun punulutan na lang namin…LOLs

      Kung talagang balak ninyo mag sugpo, i suggest na pagaralan ninyo mabuti ang pros and cons…better kung makakapag seminar kayo regarding this business.

      Ganun talaga ang negosyo….parang sugal.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: