Ipinaskil ni: ahkong | Abril 4, 2010

Nang si Hudas ay Madulas….

Persopol….hindi akin itong article na ito. Natatawa at na-aasar lang ako ng aking mabasa sa Editorial ng isang Newspaper kaya naisipan kong i-post dito sa ating tambayan ng makapag esep-esep ang iba nating mga kababayan…..

===============================================================

Nang si Hudas ay Madulas Ni Raymond Burgos

Mas maaga sa Miyerkules Santo ang panghuhudas sa loob ng Lakas-Kampi-CMD at ito ay naganap ilang araw bago ang Semana Santa kung saan ipinagkanulo ang administration bet na si Gilbert Teodoro para kay Nacionalista Party standard bearer Manny Villar. 

Ang naging kumpirmasyon ng pang­huhudas kay Teodoro ay nang bumaligtad ang mga Garcia ng Cebu (maliban kay Gov. Gwendolyn Garcia) para kay Villar na matagal nang napapabalitang “secret candidate” ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. 

Si Big Mike ang sinasabing nanghudas kay Teodoro nang tawagan nito ang isa sa mga anak ni Congressman Pablo Garcia para sabihing si Villar ang kanilang suportahan dahil hindi tumataas ang numero ni Teodoro sa mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Station. Nakumpirma mismo ito ni Teodoro kay Gov. Gwen Garcia na nagsabing kahit lumipat kay Villar ang kanyang ama at mga kapatid ay mananatili ang kanyang suporta sa dating defense secretary at opisyal na kandidato ng administrasyong Arroyo. 

At dahil nga sa pagtalikod kay Teodoro ng mga Garcia ng Cebu ay nagsunuran na rin sa paglipat kay Villar ang mga Lakas-Kampi stalwarts gaya nina Cebu Rep. Nerissa Soon-Ruiz, Davao del Sur Gov. Douglas Cagas, Compostela Valley Gov. Arturo Uy, na Lakas chairman sa kanyang lalawigan, at Bukidnon Gov. Jose Zubiri. Maging si Luis ‘Chavit’ Singson na dating presidential assistant on national security at kilalang malapit kay GMA ay nagpahayag na rin ng suporta kay Villar. 

Bilang tanda ng kanyang pagkadismaya ay nagbitiw si Teodoro bilang chairman ng Lakas-Kampi-CMD na sinundan din ng pagbibitiw nina Sarangani Gov. Miguel ‘Migz’ Dominguez bilang pre­sidente ng partido at Francis Manglapus bilang secretary-general.

Malaki ang problema ngayon ni Teodoro dahil kung mananatili siya sa Lakas-Kampi ay parang nilunok niya ang kanyang pride at hahayaan lang niyang bastusin siya ng administrasyon na walang bilib na kaya niyang manalo sa panguluhan. 

Sa totoo lang, mas may pag-asang tumaas ang numero ni Teodoro sa mga surveys kung kakalas siya sa Lakas-Kampi dahil sa gayo’y matatanggal niya ang kanyang imahe bilang kandidato ni GMA na siyang dahilan kung bakit hindi siya umaangat sa SWS at Pulse Asia. 

Ang problema nga lang ay mawawalan siya ng partido at orga­nisasyon at maging ang kakarampot na perang ibinibigay sa kanya ni GMA ay mawawala na rin at aasa na lang si Teodoro sa kanyang sariling pangangalap ng pinansya. 

Ang malaking tanong nga lang ay gagawin kaya ito ni Teodoro?

Sa kabilang banda, hindi rin makakabuti para kay Villar ang paglipat sa kanya ng suporta ng mga taga-Lakas-Kampi lalo pa’t ang pagtalikod ng mga ito kay Teodoro ay dahil sa instruction ni Big Mike.

Lalo pa kamong masusuhayan ang matagal nang kumakalat na balita na si Villar ang tunay na kandidato ni GMA dahil siya lang ang nakadikit na sa presidential frontrunner na si Noynoy Aquino ng Liberal Party.

Hindi rin kapani-paniwala ang sinasabi ni Villar na siya ang tunay na oposisyon dahil alam naman ng lahat na noong kainitan ng “Hello, Garci” ay hindi siya nanawagan ng “Gloria, Resign” ‘di gaya ng Liberal Party na nanguna sa kampanya para paalisin si GMA sa Malacañang.

Sa katunayan ay isa si Villar sa pumigil kay Vice President Noli De Castro na noo’y hinihikayat na ng LP na mag-anti-Gloria at maging pangulo ng bansa sakaling mapilitang magbitiw si GMA sa puwesto.

Hindi puwedeng sabihin ni Villar na siya ang nanguna sa Senate investigation ng jueteng scandal at NBN-ZTE broadband deal dahil kung babalikan ang record ng Senado ay si Senador Ping Lacson ang nagpaputok ng mga isyung ito sa pamamagitan ng privilege speech.

Ang dapat sagutin ni Villar ay kung bakit siya ang sinusuportahan ni First Gentleman dahil hindi naman puwedeng basta naisip ito ni FG nang walang konsultasyon sa kanyang kabiyak na siyang pangulo ng bansa.

At hindi simpleng suporta kundi todong suporta kay FG dahil siya mismo ang tumawag sa mga Garcia para abandonahin si Teodoro para kay Villar.

Nakakatawa ngang isiping nang si Hudas ay madulas, sandosena pang mga hudas ang tumalikod kay Teodoro para magpunta kay Villar. Sa nangyari ay malaki ang problema ni Teodoro pero mas malaking ‘di hamak ang problema ngayon ni Money Villarroyo.

================================================================

Sayang itong si Teodoro, isa sa magaling nating mga leader ito kaya nga lang eh nagkarun siya ng stigma ni Pandak. Maganda rin sana ang mga plataporma niya para sa ating bansa. Yung nga lang eh dahil sa alam ng mga madlang pipol na katropapips niya si Pandak at lagi niyang ka-jamming si Don Migs eh ayun nasayang ang pagod niya. Ayun and siste ngayon, nagkaiwanan na sa ere at naglaglagan na ang yagbols ng mga politikong halata mo na ang kasakiman.

Itong mga naglipatan ng suporta eh mga taong mga gahaman sa pera. Kung talagang may paninindigan itong mga ito hindi nila iiwan ang kandidato nila pero syempre pang sariling interes ang iniisip nila……..at dahil Holy Week eh ayan hindi lang isa kundi isang damakmak na HUDAS ang naglipana.

Ginawa lang pain si Gibo ng mag asawang si Pandak at Don Migs, pero ang talagang kandidato nila itong si Money Villarroyo. Kung totoo man itong mga nangyayari at pinag gagawa nitong mag asawang nasa palasyo eh sobra-sobra na. Pinaglalaruan na lang tayong mga pinoy nitong mga ito.

Tae kayong magasawa kayo…kasama na anak inyong ubod ng yabang na si Mickey Mouse…kayo ang nagpagulo sa matagal ng magulo…para kayong mga bulbol….!!!!


Responses

  1. si villar daw guest candidate ng pangulong arroyo?

  2. si noynoy ayaw daw pagbigyan ng mga Cojuangco na ibigay ang Haciena Luisita sa mga magsasaka?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: