Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 2, 2010

Summer na Summer na !!!!!

Ayan na….pumasok na ang mainit at mahabang………SUMMER !!! (kayo kung anu-ano ang iniisip ninyong mahaba at mainit eh….nyaahhhh !!!!) At dahil sa mainit na ang panahon, hindi natin maiiwasan ang pagkauhaw sa tawag ng laman…..LOLs.

At dahil sa tag init na rin naman, mauuso na naman ang halo-halo…huwaw nami-miss ko tuloy yun. Lalo na yung halo-halo sa may Chowking…..pero da bes pa rin yung halo-halo ni Aling Nita na taga Parañaque, na nagtitinda ng miryenda dun sa kanto ng kalye namin, na kaibigan ko yung anak niyang si Boy Mola, (isipin nyo na lang kung bakit Boy Mola ang tawag….).

Natatandaan ko noong araw, basta pag sapit ng alas kwuatro ng hapon nandun na si Aling Nita sa pwesto niya talaga namang marami rin ang kumakain. Kasi naman sari-saring miryenda ang ibinebenta niya: may lugaw, pansit, ginataan, ispageti na tamis sauce lang yata yun….LOLs at syempre hindi mawawala ang kanyang halo-halo na bilang mo ang laman….nyaaahhh!!! Madalas akong kumain dun nung nagaaral pa ako sa elementarya…hanggang sa magka anak na ako nandun pa rin sya.

Maganda rin siguro ang kinikita niya sa ganun-ganun lang. Nakapagpapa-aral siya ng mga anak niya. Sabi nga ni Villarroyo eh….sipag at tiyaga lang….

Gaya nitong bebot na ito…..at dahil summer nga, siguradong mainit kung maglalako ka ng paninda mo, pero siya…sipag at tiyaga ang puhunan at konting strategy lang eh kumikita daw siya ng $300 a day….biruin nyo yun….$300 a day….eh kung gawin kaya sa Pinas ito…pwede kaya, ano sa tingin nyo?

Teka muna baka gusto ninyong malaman kung ano ang ibinebenta nya…..ang kanyang Lemon Juice…..uu juice lang at dahil nga Summer eh marami ang kanyang customer…..

Yun nga lang siguradong panay lalaki ang customer niya……nyaaaahhhh !!!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: