Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 3, 2010

Pugante

“Kinakabahan ako……”

Yan yung sabi ng kakawarto kong si Boy Tigas, bago na tawag ko sa kanya hindi na Boy Liit, Boy Tigas na kasi matigas talaga pagmumukha eh….LOLs

Kasi ganito ang nangyari kanina….

Mga bandang 2:30 ng hapon kasarapan ng tulog ko at napaganda sana ng panaginip ko, kami daw ni Angel Locsin eh may ginagawang kalokohan…biglang may kumatok sa kwarto, ayun naputol ang labanan namin ni Angel….pag bukas ko may Saudi na kumukuha pala ng parang statistics.

Tinanong ako ng mga basic question, at tiningnan yung Iqama ko. Tapos ilan daw ba kami sa kwarto, ang sabi ko dalawa. Hinihingi nya rin yung Iqama ni Boy Tigas, eh sabi ko natutulog, sabi ng saudi kailangan nya lang para mairecord sa dala dala niyang mga forms, ok kako sandali….

Ginising ko si Boy Tigas at sabi ko kailangan ng Iqama mo at titingnan…..ayun lumabas ng kwarto itong si Boy Tigas at sya naman ang nakipagusap dun sa Saudi at ako naman dahil sa medyo grogy pa itinuloy ko yung tulog ko.

Maya-maya pumasok na si Boy Tigas mga ilang minuto lang lumabas naman ng kwarto. Parang sinisilaban ng sili ang puwet at hindi mapakali. Bigla akong ginising ni Bot Tigas at tinanong ako kung ano ba raw ang sinabi ko dun sa kumukha ng statistics. Sinabi ko yung mga tinanong sa akin, sabi ni Boy Tigas, sa totoo lang daw kasi, tumakas siya sa dati niyang employer sa Riyadh. Kasi daw maliit ang sweldo at pinapunta siya ng biyenan niya dito sa Al Khobar para makaiwas.

Sabi niya kinakabahan daw siya at baka ipasok sa computer yung mga information na kinuha sa amin at makita yung Iqama niya, mate-trace nga naman kung nasaan siya. Tinanong niya ako kung ganun ba raw yun, ma-trace kaya yung Iqama niya.

Sabi ko kung nagreport yung dati niyang employer, sigurado yun. Kasi 100% magre-report sa pulis yung dati niyang employer. Sinabi ko na lang sa kanya na wala kako yun, huwag siyang matakot at wala naman kaso kako yan, dahil statistics lang naman yun. Kasi namumutla ang potek, parang mangiyak-ngiyak eh….LOLs

Sabi niya ngayon daw siya nagsisisi kung bakit siya nagpunta pa dito sa Saudi. Hindi na lang ako sumagot, sa lob-loob ko kasalanan nya rin naman eh, kung hindi siya tumakas sa dati niyang employer hindi sana siya kinakabahan ng ganun.

Ginawa ko nahiga na lang ulit ako……biglang may pumasok sa isip ko, pagisipin ko kaya itong loko na ‘to…..

Nakita ko hindi na makatulog…..Sabi ko, “ibig mong sabihin tumakas ka sa employer mo….???”

“oo” raw.. wag na lang daw akong maingay kahit kanino….

“huwag kang mag alala, walang problema sa akin” kako….

Ang isang magiging problema mo, sabi ko sa kanya…..”Hindi ka makaka-uwi…”

Bakit??? kasi ganito yan….

Ang Iqama niya yung dati niyang employer ang nag file so pag nag expire ang Iqama niya hindi niya maire-renew dahil tumakas nga siya eh….ang isa pa pag expire yang Iqama hindi siya makakakuha ng exit visa, kasi kailangan yun sa immigration para matatakan ang passport niya….kung hindi siya makaka kuha ng exit visa hindi siya makaka uwi….paktay kang bata ka….

Yan ang magiging problema mo kako sa kanya…..importante ang Iqama dahil lahat ng transaction dito sa kingdom ginagamit ang Iqama….

Isa lang kako ang solution mo sa problema na yan…..pumunta siya sa Philippine Embassy at magpadeport siya kung gusto niyang umuwi…kasi no other way. Pagkumuha siya ng exit visa ipe-present niya ang Iqama niya, bago siya bigyan ng exit visa i-check muna yun, siguradong makikita na tumakas siya, kulong ang aabutin niya…..may kasamang hataw pa yun.

Isa pa yun nga lang pag nagpa-deport siya wala siyang maiuuwing gamit, pwera na lang kung ipa-una nya na mga gamit niya…..mahirap ding magpadeport…aabutin ka rin ng buwan swerte na yun, yung ibang nababalitaan ko inaabot ng taon bago makauwi.

Ayan kasi…..tigas kasi ng mukha eh, maagang na karma…

…buti na lang mabait ako yung bang parang isang bagong silang na sanggol na walang kamuwang-muwang…..LOLs


Responses

  1. wahahaha. naawa naman daw ako dun.
    goodluck na lang sa kanya…
    pero sana tinakot mo pa! hakhak!

  2. ayun sis…nag punta ng POLO at nagpapatulong sa embassy natin….babalik na lang daw siya dun sa dati niyang employer, sana raw wag siyang kasuhan….eh malamang nagreklamo na ang employer niya…..

    kaya tama rin yung sinasabi ng embassy natin na yung ibang mga OFWs na rin ang may kagagawan kung bakit nagkakaproblema sila.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: