Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 10, 2010

Si Iron Man at ang Avengers

Ayan napalabas na ang Iron Man 2, napanood ko na….ilang beses kong sinubukang i-download sa torrent at inabot ako ng 2 days bago ko nakompleto at natapos ang DL pero anakngtinolangipis na yan….ayaw mag play. Naka lock yung video pero tama naman yung DL ko almost 800mb eh…kahit anong gawin ko hindi mai-play…talaga naman pag totonakin ka ng dyablo….!!!!

Kaya ginawa ko naghintay lang na lang ako ng ilang araw at pumunta ako sa suki kong si Manong Debede..ayun may kopya na siya….ok na rin malinaw na rin pero hindi masyadong maganda ang sound, pero pinagtyagaan ko na rin…

Merong scene sa Iron Man 2 na pinakita yung shield ni Captain America, pangalawa na yun nung 1st movie rin pinakita rin yun, ito yung tinatawag nilang easter egg, ewa ko kung bakit hindi naman itlog yun buti kung itlog ni Ah’Kong yun malamang bugok na…nyakkkk!!!!

Heniwei, sa mga nababasa ko sa net….after Iron Man ito naman Thor ang ipapalabas nila, sinabi rin sa Iron Man 2 yun, after ng end credit matagpuan nila sa Mexico yung hammer ni Thor….hindi yung sasakyan ha ibang hummer yun…after ng Thor yung Captain America naman yata ang ipapalabas nila….tapos pagsasamahin silang lahat sa isang pelikula….magiging singgulo na sila ng bulbol ni Ah’Kong….at tatawagin silang Avengers.

Tawa ako ng tawa dito sa usapan ng mga pamangkin ko sa FB:

CL : kuya, sa marvel ba si ironman? sino sino pa yung iba niyang kasama?
ER : oo, sa marvel sila, kasama nila si wolverine at hulk..
PC : oo nga..
CL : kaya kung magkaroon ng isang movie yung mga heroes ng marvel, sino kalaban nila?
DL : powerpuff girls..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: