Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 11, 2010

Bakit natalo si Money Villarroyo…???

Nakita ko sa Yahoo Phils News na nag concede na si Villarroyo…..

Oo nga naman kesa naman mapahiya pa ng bonggang-bongga eh sumuko na lang siya to save face ika nga…to be honorable mention sa row four, tabi ng basurahan.

Sa totoo lang nung last year pa sinimulan ni Villarroyo ang mangampanya, haktwali siya ang una kong choice to be the next El Presidente. Pero nung pumutok ang C-5 plastique explosive tapos hindi niya hinarap ang inquiry, (tama ba ispeling ko?), sa kanya parang tamang duda na ako. Then another issue came up…then another….then another…. ang huling pako na ibinaon ni Villarroyo sa sarili niya eh nung gamitin niya pati namatay na kapatid at yung nanany niya to gain sympathy sa tao eh parang wala na yata sa hulog yun…..

Eto eh aking sariling analysis lang naman….maaaring tama o maaaring mali

Nagkamali si Villarroyo ng diskarte para ma convince ang masang pinoy….Una sa mga Infomercial niya inilalagay nya sa utak ng mga Pinoy na galing siya sa mahirap….which is hindi naman pala….siguro hindi sila mayaman, hindi rin mahirap kung baga nasa middle class sila, pero medyo nakaka angat.

Logical lang naman na if you are going to be a President of a nation, dapat ipakita mo kung ano ang totoong ikaw….kasi paano ka naman pagkakatiwalaan ng mga tao kung pati sarili mo eh niloloko mo pa? Hindi ba mga tropapips?

Isa pa, hindi niya hinarap yung mga issue na ibinabato sa kanya…lagi siyang nagtatago. Dapat ginawa niya ipinakita niya na kaya niyang harapin kung anu man ang ibato sa kanya, dapat pinakita niya na may bayag siya. Paano magiging Presidente ang isang tao kung kapag may problema eh magtatago sa saya ng mga alipores niya…hindi maganda yung ganun. Isa siguro iyon sa nakita ng mga tao sa kanya.

Pangalawa, hindi man aminin ni Villarroyo eh nakipagsanib pwersa siya kay Padak. Eh kung hindi ba naman tangerks itong si Villarroyo eh alam niya na buryong-buryo na ang madlang pipol ke Pandak eh dun pa siya nakipag sanib…iyon eh kung totoo ang balita na may secret silang dalawa ni Pandak…kung anu man yung sikret na yun eh silang dalawa lang ang nakaka alam…ahihihihihihi pero ako alam ko kung anu yun……hindi ko sasabihin pero pagpinilit ako…sasabihin ko rin….LOLs

Pangatlo….bilyon bilyon…take note ha…bilyon hindi milyon, ito eh galing sa aking mga tropang kulangot.

Bilyon ang ginastos ni Villarroyo sa kampanya niya….logical lang isipin ng mga tao, paano niya mababawi ang pera na yun? Obyusli kukunin nya rin yun sa kaban ng bayan…imposible yung sinasabi niya na hindi niya babawiin yun…ginagago niya ng mga Pinoy, its an insult to our intelligence !!! Sino kayang tao ang maglalabas ng ganung karaming pera tapos hindi mo babawiin…unless na yung ginastos niya sa kampanya niya eh galing sa kaban ng bayan, tuso din ito. Wala nga naman siyang dapat bawiin dahil hindi naman kanya yung ginastos niya….galing !!!

Si Villarroyo first and foremost a businessman…..nabasa ko sa isang nagcomment sa Yahoo News eh “ang isang businessman hindi maglalabas ng pera ng walang return of profit” (mali yata ah? Something to that effect). In short, si Money Villarroyo eh isang negosyante, ang isang negosyante eh hindi mamumuhunan ng hindi nababawi ang puhunan (+ interest).

Ang isang rason pa kung bakit natalo si Villarroyo? Eto sa lahat ng nabasa kong comments ito ang laging lumalabas, kung baga sa statistics eh, 80% siya ang dahilan kung bakit natalo si Money….

Dahil kay….Willie Revillame !!!

Isa pang pagkakamali ni Villarroyo….ang kinuha niyang endorser eh walang credibility. Paano mo naman paniniwalaan ang isang Willie da Pootah. Iyong pag iyak iyak niya sa Ultra Tragedy??? Ano na nangyari dun? Wala….as if walang nangyari. Isang Willie da Pootah na kung umasta akala mo siya ang may ari ng kompanyang pinapasukan niya? Akala mo siya ang diyos…uu siya ang diyos…diyos ng kahambugan at kayabangan….

Paano magkakarun ng tiwala ang tao kay Villarroyo kung ang endorser mo eh si Willie? Eh suyang-suya na rin ang mga tao dito…..

Haynaku, isa lang masasabi ko…beter lak nek taym.


Responses

  1. puso mo ahkong… lilipad, hehe

  2. hay naku brader….sana naman itong susunod nating El Presidente eh matupad lahat ng sinabi, alam kong hindi nya kaya magisa kailangan niya ang tulong nating mga Pinoy underground….

    Kaya goodluck sa ating lahat sana makamit natin yung mailap na pagbabago…

    Long live the Queen !!! *(mali yata…parang pro-GMA dating nun ah…LOLs)

    MABUHAY TAYONG MGA PILIPINO !!!!

    (* nice Theme ng site mo brader…cool ang dating)

  3. uso pa pala ang concede-concede na yan?😀

  4. uso ngayon…trending….kasi election…LOLs

  5. bravo sa iyong mga punto!

    at for me siya ang the biggest loser sa lahat ng tumakbo. siya rin ang una kong bet lalo na kung ikukumpara kay Noynoy. pero nawala rin. alam mo naman nagpatino sa utak ko.

    sabihin ba naman siya ang “magtatapos sa Kahirapan,” eh kung di ba naman… buti pa si Eddie Gil ang sinabi lang ay “babayaran niya ang utang ng buong Pilipinas. iyon mas next pa sa imposible.

    • uu nga napaka imposible ng kanyang mga pangako na siguradong mapapako lang…LOLs

      Sino ba yung kandidato na bibigyan nya raw ang bawat pamilya ng tig-iisang milyon??? Matagal na yun eh…tawa-ako ng tawa dun….mga pulitiko talaga natin oo hindi mo malaman kung mga sabog sa ipinagbabawal na utot at talagang may topak sa ulo….LOLs

      At least yung kina Noy-Mar na tatapusin nila ang kurapsyon sa bansa eh logical pa…at least feasible pwedeng mangyari pero yung tatapusin ang kahirap malabo yon hindi kaya ng isang presidente yon….baka ibig niyang sabihin eh tatapusin niya ang kahirapan ng mga mayayaman….LOLs

      Masarap pakinggan pero mahirap matupad.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: