Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 15, 2010

Dahil sa Katang…na naman

Naranasan nyo na ba yung habang may ginagawa kayo na isang bagay eh ang isip ninyo wala dun sa ginagawa ninyo?

Ganito nangyari sa akin kanina habang nagluluto ako. Dahil sa ang isip ko eh hindi ko malaman kung saan nagpunta, baka umuwi ng Pinas, namamaga itong middle finger ko…..oo itong madalas gamitin ng mga lalaki pang himas at pang salat……sa pitsa ng Mahjong….hanu ba kayu anu pa ba ang ibang sinasalat????

Kasi ganito yun, nag init ako ng rice. Itong rice na ito eh nung gabi ko sinaing para nga pag tanghalian hindi na ako magluluto ng rice pati na rin yung ulam ko na hita ni mercedez….sabi ko nga eh mahilig ako sa manok lalung lalo na pag legs…..huwawawaw !!!!

Ayun nga ….. nung mainit na yung sinaing ko inilagay ko muna sa ibabaw ng lamesa at ininit ko naman yung mga hitang masarap papakin….LOLs Ewan ko ba kung bakit ng mga oras na yun eh para akong wala sa sarili. Parang nasaniban ako ng dyablo eh ang isip ko nasa pinas…..

Wala sa loob ko na dinampot ko yun mainit na kaldero kung nasaan yung rice, at hinawakan ko yung pinaka ilalim….anakngteteng na yan !!!! Bigla akong natauhan at aaannnnggg sssaaaakkkiiitt !!!! Taena !!!

Hindi ko naman mabitawan yung kaldero at tatapon yung kanin, sayang. Buti na lang at hindi pa ako nakakalayo dun sa lamesa at bigla kong inilapag ulit dun……

Nilagyan ko ng tooth-paste….aba biglang¬†sumakit na naman. Eto na biglang namanga….kung di ba naman kasi isa’t-kalahating tangangerks, hawakan ba naman yung ilalim ng kaldero na kaiinit lang sa kalan….asus naman oo….

Haktwali kasalanan ng drayber ng bus yun eh….kung hindi niya binusinahan yung naglalaba, hindi sana nahulog yung luga ng unggoy sa manila zoo….huh???!!!

Ah ewan !!!! Ang gulo ko kausap !!!!


Responses

  1. Hahahah baket mo nga naman kasi hinawakan yung ilalim. ok na sana maiintindihan kita kung takip lang.

    amm subukan mo lagyan ng bimpo na may yelo sa loob. yung toothpaste kasi baka makaimpeksyon lang sa 1st degree burn mo. hehehe

  2. thanks….ayus na naman brod hamster, nagkarun siya ng parang tubig…pero di naman gaano masaki, nawala na yung kirot. Nilagyan ko ng petrolium gel.

  3. hahah..adik ay haha..
    namiss ko talaga dito..
    ako di mo ata namiss ayan nikakarma ka napaso ka tuloy haha..lols


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: