Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 21, 2010

Donkey Kong

Dahil Friday ngayon wala akong masyadong magawa dito sa office kaya naisipan kong mag DL ng mga Flash Games. Meron akong nakitan na almost 200 games kaya DL ko agad at baka mawala eh…LOLs

After kong mai DL at dahil na rin nababato na ako dito sa office eh ano pa ba? eh di laro ng games habang naghihintay ng oras ng uwian….oo ganito ka productive dito sa office namin. Itong mga kasamahan ko nga nanonood lang ng TV eh….ganun kami kasipag dito.

Sinubukan kong laruin itong Donkey Kong, kung bakit Donkey eh hindi ko alam, ang alam ko lang eh gorilya ito….yung para gorilya na asawa ni pandak….

Heniwey….itong Donkey Kong na ito eh yung sa  Nintendo Family Computer pa…circa 1980’s. Hindi pa uso PS noon. Pinaka high-tech na nung araw yun…..pag meron ka ng ganitong console sikat ka pa sa that’s entertaining.

Kung hindi nyo alam kung ano itong Donkey Kong dahil sa ito eh antigo na eh…ganito siya….

So nag simula na akong maglaro….

Anak ng teteng na yan…nakaka-30 minutes na ako, pero hindi ako maka-alis sa Level 1, parati akong napapatay ng linsyok na gorilya na yan….hindi ko tuloy maabot ang aking iniirog na si Prinsesa…..prinsesaaa….??? Hanu nga ba pangalan nito? Ah basta siya na yun….

Ang hirap pala….samantalang yung mga games sa PC saka PS2 natatapos ko mas complicated pa yun. Pero itong simpleng Donkey Kong hindi ako makalagpas ng Level 1……..

OK lang marami pa naman akong oras….magagamayan ko rin ‘to.

Oo nga pala…..konting trivia.

Bago lumabas itong Nintendo Family Computer na console meron munng isang Nintendo na hand held game….ito yung Game & Watch.

Kung baga noong araw ito ang pinaka PSP…..

I remember meron ako nito yung Octopus…….taena anong panama ng mga DS at PSP dito….mas mahal ito kasi Antique….LOLs


Responses

  1. namiss ko dito pati ung may ari namiss ko haha..

    naalala ko lang ung family computer hehe..un kasi naabutan ko ahha..
    mario1 lang din ang nilalaro ko..

    • uy na miss ko din si sis lovely….
      medyo marami lang akong preblemang inaayos…..

  2. hahaha.
    magulat ka din kay mario.
    ilang beses nang nauuntog sa mga bricks pero hayan at buhay pa rin.
    tumi3d pa.

    namiss ko ang old school games. hakhak!

    • oo nga sis eloiski…..yun ang matigas ang ulo….LOLs buti na lang hindi yung isang ulo ang pinaguntog niya….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: