Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 13, 2010

REBORN

I died when you left but suddenly I realized that also, I was reborn. I will take this new journey in life with our children and I know whatever it takes, me and the kids will face this new chapter in our life head-on. No one can stop us to reach our goal because we will do it together and in the end me and my children will be victorious.

Mga prens….I just went through something very personal in my life. Kaya hindi na ako nakakadalaw sa ating tambayan.

Hindi ko alam kung kailangan ko bang ikwento pa sa inyo ang nangyari sa akin o I just keep it to myself.

The important thing is, my children. Nasa ayos naman sila at kung ano man ang mga nangyari nitong huling mga araw ay kaya ko naman. Hindi ko na i-elaborate pa basta ang importante sa akin ngayon ang aking mga kids.

Naawa ako sa kanila dahil sa sila ang apektado. Sa akin hindi ko naman ininda yung nangyari siguro kasi naubos na rin ang pasensya ko. Nakausap ko na naman sila at I promised them na hindi ko sila pababayaan at hindi ko sila iiwan. Kahit gumapang ako papagtapusin ko sila ng pagaaral. Ibibigay ko sa kanila ang dapat sana nilang natatanggap.

Ang kailangan kong paghandaan ngayon ang future ng aking mga kids. Sa kasawiang palad eh hindi ako basta makauwi sa kanila but I have promised them na uuwi ako ng December to be with them this Christmas.

I don’t know….pero ang nararamdaman ko parang I was reborn….para bang magagawa ko na yung mga dapat kong gawin para sa mga kids ko. Para na rin sa sarili ko, I think it is for the better na magkalayo na kami, at least hindi niya dinala ang mga anak ko. Mabuti na lang ganun, masisiguro ko na mabibigyan ko sila ng magandang kinabukasan dahil sa kanila ko na lang ibubuhos ang atensyon at oras ko. Hindi bale na ako, saka ko na iisipin ang akin pag nasa ayos na sila.

Ito siguro ang iginuhit sa akin ng tadhana. The logical thing to do now is just focus my attention to my kids. Hindi naman siguro ako magkakaproblema sa pagpapalaki sa kanila, kaya ko naman yon. Mababait naman silang tatlo, but worried ako sa kanila dahil in this stage, nalilito pa ang mga yun. Alam kong marami silang katanungan na dapat kong masagot. Nag usap na kami ng panganay ko at sabi ko pag uwi ko na lang kami magusap-usap, gusto kong marinig mula sa kanila ang nararamdaman nila at kung ano ang nasa isip nila. Gusto kong mag open up sila sa akin dahil iyon ang mahalaga upang malagpasan namin itong stage na ito.

Ang sabi ko na lang sa kanila na hwag silang magagalit o magtatanim ng sama ng loob sa kanilang mommy dahil masama iyon. Kahit anong gawin nila siya pa rin ang kanilang mom.

Wish me luck mga prens…..sana malagpasan namin at sana makapag move on agad ang mga bata.


Responses

  1. kuya ahkong! :cyberhug:
    nalungkot me much sa entry mo.

    malalagpasan niyo rin yan kuya ahkong!

    kayanin mo para sa mga kids.

    syaks! i am sad…

    :cyberhug na mahigpit:

  2. baka hindi ako makahinga…..LOls

    ok lang naman…kahit ganitong parang may hole sa buhay ko.

    thanks sis…..hope we can reconcile and start over again…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: