Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 28, 2010

Can I Save my Marriage???

Yan ang tinatanong ko sa sarili ko…..ang sagot ay malaking “YES” !!!!

Iyan eh kung gugustuhin naming dalawa. Sino ba naman ang gustong masira ang family? Hindi ba?

Haktwali, nakapag usap na kaming dalawa….humingi siya ng sorry sa akin at kahit na mabigat yung ginawa niya tinanggap ko ang kanyang sorry hindi dahil para lang maayos kundi dahil mahal ko talaga ang wife ko.

Humingi din siya ng isa pang chance….ang sabi ko bakit naman hindi…..so ayus na….

Hindi pa pala….ampotek na yan….

Nagbago na naman ang isip niya….pabayaan ko na lang daw muna siyang makapag isip at kung ano man ang maging pasya niya i-respect ko na lang daw…..

So maliwanag na yun sa akin….hindi pa siya sure nung humingi siya ng sorry. Akala ko ok na, dahil sa part ko kinalimutan ko yung ginawa niya, kinalimutan ko yung mga paghihirap ko dito sa Saudi, kinalimutan ko na yung mga nasayang na panahon at oras ko dito para lang maayos ang lahat….kasi kung iisipin kong mabuti…siya na ang may mali, siya yung nagsabi na maghiwalay na kami, siya pa ngayon ang nagmamatigas.

Hay naku ang mga babae talaga paiba-iba ang isip….ok lang sa akin kung yun talaga gusto niya. But still I will do everything I can to save our marriage, ngayon kung talagang wala na at ayaw na niya…wala na akong choice kung hindi tanggapin na lang.

Pero kahit na ganun na tanggapin ko man, parang meron akong malaking hole sa dibdib ko. Parang ang hirap huminga. Alam nyo yun? Para bang ang bigat ng pakiramdam mo? Ibig bang sabihin nun talagang mahal ko ang wife ko? O nanghihinayang lang ako sa mga panahon na masasayang???

Ilang taon na ba kaming kasal? 17 years…..17 years gone….parang hindi ako makapaniwala na ganun lang kadali at handa siyang kalimutan lahat yun.

Ang isa pang hindi ko talaga maintindihan kung bakit? Mabait naman ako…ni minsan hindi ako nambabae. Siguro financially talagang may pagkukulang din ako dahil sa alam naman natin na biglang bumagsak ang palitan ng Riyals sa Peso….pero parang napaka liit na rason naman kung ganun…..

The thing is may nagawa siyang malaking bagay na naapektuhan pati ang mga kids…..kung anu man yung bagay na yun sa akin na lang. The point is, alam ng family niya kung ano yon at pati ang family niya nagalit sa kanya….muntik na nga nilang itakwil ang wife ko dahil dun sa ginawa niya. Sa akin naman…oo aaminin ko nung simula nagalit din talaga ako dahil sa hindi nga naman biro yun, tapos siya pa ang naghamon na maghiwalay na kami.

Pero iba rin talaga pag mahal mo ang isang tao…..handa kang kalimutan kung ano man ang nagawa niya dahil mahal mo siya. Pero siyempre, sisiguraduhin mo pa ring hindi na mauulit yun…..kasi pag naulit na naman….eh wala na talagang rason para mag sama pa kayo.

I will just give her time na makapag isip-isip siya…..ngayon kung maayos naman, maganda at siguradong matutuwa ang mga bata. Pero kung talagang ayaw na niya, wala na akong magagawa dun. But I hope she will change for the better……

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.


Responses

  1. kamusta kuya. tagal din ako di nadalaw..cenxa na.

    kala ko mattanggal stress ko pag nagbasa ko dito, maling oras pala ako bumisita pero buti na lang di ko nalampsan to.

    i hope ok ka, gusto ko malaman din ang dahilan bakit?
    17 yrs manghihinayang ka talaga..
    sana’y mag kaayos na kayo ni ate para sa mga kids mo..
    i will pray for your family,
    add mo na rin ako fb kung sakali.
    madalang na din kasi mag blog.:)
    lovely_damnhype@yahoo.com

    • hongga sis….ako rin medyo madalang na ring mag blog dahil naging bisi-bishan ngayon dito sa opis at summer season na kasi.

      heniwei, sige i-add kita…ako rin add mo:
      jonathangomez2001@yahoo.com

      mahabang istorya sis lovely at mukhang malabo pa sa singit ni gloria ang nakikita kong kalalabasan ng sitwasyon namin….

      gusto ko na ngang mag move on kasi mahirap din sa akin dahil alanganin ako kung ok ba o hindi o ano ba talaga ati…????

      mag hwentuhan tayo sa FB….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: