Ipinaskil ni: ahkong | Hulyo 11, 2010

July 11, 2010

Dalawang ang significant event ng petsa na ito.

Una July 11, 1934,ngayong araw na ito ay kaarawan ng aking ama. Happy Birthday Dad….sana makasama ka pa namin ng mahabang panahon. Thank you sa lahat ng mga payo na ibinigay mo sa akin. Salamat din sa mga pagpapasensya mo sa akin dahil sa katarantaduhan ko noong araw.

Hinding hindi ko makakalimutan ang payo niya sa akin, lalo na pag dating sa ipinagbabawal na utot…..ayaw na ayaw nya ng ganun kaya nung nagbibinata pa lang ako nun, ito yung time na ang boses ko eh pumipiyok-piyok, lagi niya akong sinasabihan na iwasan ang ganitong bisyo. Dahil tama nga naman masama ang epekto nito sa kalusugan at pagiisip. Ngayon naman ako naman ang napapayo sa aking dalaga at binata. Dahil ngayon nasa stage na sila ng pre-teens, ako naman ang nagi-instill sa kanila na iwasan ang drugs….just say NO to drugs !!!!

Pangalawang event sa petsang ito…..ito ang araw na ako ay ganap ng dalaga…este….binata pala….LOLs

Oo tuluyan na akong iniwan ng magaling kong misis, at pinapalaya na niya ako…yehheeyyy !!!! yahhoooo !!!!!

Maaga dito kanina ng matanggap ko ang text message niya sa akin na, kailangan nya raw na lumayo na sa amin dahil malaki raw ang kasalanan niya. Galit din ang buong pamilya niya sa kanya…..nakaklungkot mang isipin, pero ginawa ko na ang lahat ng magagawa ko para maayos ko ang sitwasyon naming dalawa, pero talagang siya na ang sumuko.

Marami pa sana akong gustong sabihin sa kanya pero ayun nga at umalis na sya. Hindi na namin alam kung saan nagpunta.

Huwag lang sanang dumating ang araw na sumbatan siya ng mga bata dahil sa ginawa niya sa amin. On my part, masakit man pero kailangan kong tanggapin kailangan kong magpakatatag para sa amin ng mga kids ko. Ang inaalala ko lang si Boy Flawless, dahil mamas boy ito, kaya nga kahit nandito ako ibinibigay ko ang atensyon ko sa kanila. Lagi ko silang kinakausap binbigyan ng mga payo kung ano man ang nararamdaman nila sa sitwasyon namin ngayon, mga ganung bagay. Gusto kong mag open-up sila sa akin hindi dahil sa ama nila ako kundi dahil kaibigan nila ako.

Nagkarun tuloy ako ang challenge. Gusto ko ipakita sa aking ex-wife na nagkamali siya ng iwanan niya kami. Gusto kong makita niya na kahit wala siya magiging masaya kami ng mga kids ko….after 5 years? I will be a millionaire….LOLs

Walang biro…yan ang goal ko ngayon, syempre ang inspiration ko ay ang mga bata….kasi we will start again eh…nawala bahay ko, ang mga gamit ko hindi ko na alam kung nasaan na….kung baga sa ginawa ni Pandak eh iniwan niya kay Noynoy Abnoy ang Pinas na bungkrap…

Kaya within 5 years dapat makapagipon ako ng kahit 1 million….kaya ko kaya yun? Sa tingin ko kaya, sipag at tyaga lang sabi nga ni Villarroyo…

Ang hinihiling ko kay Lord….sana wag niyang pababayaan ang aking ex-wife kung nasaan man siya sana she is safe….syempre lab ko pa rin yon kahit anong mangyari.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: