Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 11, 2010

Bakit natalo si Money Villarroyo…???

Nakita ko sa Yahoo Phils News na nag concede na si Villarroyo…..

Oo nga naman kesa naman mapahiya pa ng bonggang-bongga eh sumuko na lang siya to save face ika nga…to be honorable mention sa row four, tabi ng basurahan.

Sa totoo lang nung last year pa sinimulan ni Villarroyo ang mangampanya, haktwali siya ang una kong choice to be the next El Presidente. Pero nung pumutok ang C-5 plastique explosive tapos hindi niya hinarap ang inquiry, (tama ba ispeling ko?), sa kanya parang tamang duda na ako. Then another issue came up…then another….then another…. ang huling pako na ibinaon ni Villarroyo sa sarili niya eh nung gamitin niya pati namatay na kapatid at yung nanany niya to gain sympathy sa tao eh parang wala na yata sa hulog yun…..

Eto eh aking sariling analysis lang naman….maaaring tama o maaaring mali

Nagkamali si Villarroyo ng diskarte para ma convince ang masang pinoy….Una sa mga Infomercial niya inilalagay nya sa utak ng mga Pinoy na galing siya sa mahirap….which is hindi naman pala….siguro hindi sila mayaman, hindi rin mahirap kung baga nasa middle class sila, pero medyo nakaka angat.

Logical lang naman na if you are going to be a President of a nation, dapat ipakita mo kung ano ang totoong ikaw….kasi paano ka naman pagkakatiwalaan ng mga tao kung pati sarili mo eh niloloko mo pa? Hindi ba mga tropapips?

Isa pa, hindi niya hinarap yung mga issue na ibinabato sa kanya…lagi siyang nagtatago. Dapat ginawa niya ipinakita niya na kaya niyang harapin kung anu man ang ibato sa kanya, dapat pinakita niya na may bayag siya. Paano magiging Presidente ang isang tao kung kapag may problema eh magtatago sa saya ng mga alipores niya…hindi maganda yung ganun. Isa siguro iyon sa nakita ng mga tao sa kanya.

Pangalawa, hindi man aminin ni Villarroyo eh nakipagsanib pwersa siya kay Padak. Eh kung hindi ba naman tangerks itong si Villarroyo eh alam niya na buryong-buryo na ang madlang pipol ke Pandak eh dun pa siya nakipag sanib…iyon eh kung totoo ang balita na may secret silang dalawa ni Pandak…kung anu man yung sikret na yun eh silang dalawa lang ang nakaka alam…ahihihihihihi pero ako alam ko kung anu yun……hindi ko sasabihin pero pagpinilit ako…sasabihin ko rin….LOLs

Pangatlo….bilyon bilyon…take note ha…bilyon hindi milyon, ito eh galing sa aking mga tropang kulangot.

Bilyon ang ginastos ni Villarroyo sa kampanya niya….logical lang isipin ng mga tao, paano niya mababawi ang pera na yun? Obyusli kukunin nya rin yun sa kaban ng bayan…imposible yung sinasabi niya na hindi niya babawiin yun…ginagago niya ng mga Pinoy, its an insult to our intelligence !!! Sino kayang tao ang maglalabas ng ganung karaming pera tapos hindi mo babawiin…unless na yung ginastos niya sa kampanya niya eh galing sa kaban ng bayan, tuso din ito. Wala nga naman siyang dapat bawiin dahil hindi naman kanya yung ginastos niya….galing !!!

Si Villarroyo first and foremost a businessman…..nabasa ko sa isang nagcomment sa Yahoo News eh “ang isang businessman hindi maglalabas ng pera ng walang return of profit” (mali yata ah? Something to that effect). In short, si Money Villarroyo eh isang negosyante, ang isang negosyante eh hindi mamumuhunan ng hindi nababawi ang puhunan (+ interest).

Ang isang rason pa kung bakit natalo si Villarroyo? Eto sa lahat ng nabasa kong comments ito ang laging lumalabas, kung baga sa statistics eh, 80% siya ang dahilan kung bakit natalo si Money….

Dahil kay….Willie Revillame !!!

Isa pang pagkakamali ni Villarroyo….ang kinuha niyang endorser eh walang credibility. Paano mo naman paniniwalaan ang isang Willie da Pootah. Iyong pag iyak iyak niya sa Ultra Tragedy??? Ano na nangyari dun? Wala….as if walang nangyari. Isang Willie da Pootah na kung umasta akala mo siya ang may ari ng kompanyang pinapasukan niya? Akala mo siya ang diyos…uu siya ang diyos…diyos ng kahambugan at kayabangan….

Paano magkakarun ng tiwala ang tao kay Villarroyo kung ang endorser mo eh si Willie? Eh suyang-suya na rin ang mga tao dito…..

Haynaku, isa lang masasabi ko…beter lak nek taym.

Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 10, 2010

Chicken Wings

Peborit ko ang manok….ever since nung maliit pa lang akong kulangot eh peborit ko na yan. Lalo na pag prito naku ang dami kong nakaka-kain pag ganun. I remember nung buhay pa ang aking mahal na nanay eh madalas mag roast ng chicken yun sa oven namin.

Talaga naman ensited ako pag pinapanood kong yung pag roast tapos tumutulo-tulo pa yung katas nita…..(oopsss.. baka kung anong katas yang iniisip nyo ha??).

Ang peborit kong part ng chicken eh yung legs…kasi mahilig ako sa legs lalo na kapag bilugan at maputi….naku nakaka ensite. Parang finger lickin’ good..sarap to the bones….LOLs. Taena baka kung saan mapunta itong usapan natin.

Isa pang part na gusto ko sa manok eh yung pekpek…este…pakpak o chicken wings. Gustung-gusto ko yung medyo cristy vermin…as in medyo tustado. Masarap kasing lafangin pag ganun eh para kang kumakain ng Lapid’s Chicharon….

Tips ko sa mga kaibigan nating mga bebotski, kapag nag serve kayo ng pekpek…este…pakpak ng manok eh lagyan ninyo ng design at medyo borloloy ang presentation ninyo para sa inyong mga asawa o boylets. Siguradong gaganahang kumain ang mga yon.

Ganun ang ginagawa ng misis ko pag hinanda niya yung kanyang pekpek…este…pakpak na niluto pag nakita ko lalo akong ginagahang kumain…..

Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 10, 2010

Si Iron Man at ang Avengers

Ayan napalabas na ang Iron Man 2, napanood ko na….ilang beses kong sinubukang i-download sa torrent at inabot ako ng 2 days bago ko nakompleto at natapos ang DL pero anakngtinolangipis na yan….ayaw mag play. Naka lock yung video pero tama naman yung DL ko almost 800mb eh…kahit anong gawin ko hindi mai-play…talaga naman pag totonakin ka ng dyablo….!!!!

Kaya ginawa ko naghintay lang na lang ako ng ilang araw at pumunta ako sa suki kong si Manong Debede..ayun may kopya na siya….ok na rin malinaw na rin pero hindi masyadong maganda ang sound, pero pinagtyagaan ko na rin…

Merong scene sa Iron Man 2 na pinakita yung shield ni Captain America, pangalawa na yun nung 1st movie rin pinakita rin yun, ito yung tinatawag nilang easter egg, ewa ko kung bakit hindi naman itlog yun buti kung itlog ni Ah’Kong yun malamang bugok na…nyakkkk!!!!

Heniwei, sa mga nababasa ko sa net….after Iron Man ito naman Thor ang ipapalabas nila, sinabi rin sa Iron Man 2 yun, after ng end credit matagpuan nila sa Mexico yung hammer ni Thor….hindi yung sasakyan ha ibang hummer yun…after ng Thor yung Captain America naman yata ang ipapalabas nila….tapos pagsasamahin silang lahat sa isang pelikula….magiging singgulo na sila ng bulbol ni Ah’Kong….at tatawagin silang Avengers.

Tawa ako ng tawa dito sa usapan ng mga pamangkin ko sa FB:

CL : kuya, sa marvel ba si ironman? sino sino pa yung iba niyang kasama?
ER : oo, sa marvel sila, kasama nila si wolverine at hulk..
PC : oo nga..
CL : kaya kung magkaroon ng isang movie yung mga heroes ng marvel, sino kalaban nila?
DL : powerpuff girls..

Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 3, 2010

Pugante

“Kinakabahan ako……”

Yan yung sabi ng kakawarto kong si Boy Tigas, bago na tawag ko sa kanya hindi na Boy Liit, Boy Tigas na kasi matigas talaga pagmumukha eh….LOLs

Kasi ganito ang nangyari kanina….

Mga bandang 2:30 ng hapon kasarapan ng tulog ko at napaganda sana ng panaginip ko, kami daw ni Angel Locsin eh may ginagawang kalokohan…biglang may kumatok sa kwarto, ayun naputol ang labanan namin ni Angel….pag bukas ko may Saudi na kumukuha pala ng parang statistics.

Tinanong ako ng mga basic question, at tiningnan yung Iqama ko. Tapos ilan daw ba kami sa kwarto, ang sabi ko dalawa. Hinihingi nya rin yung Iqama ni Boy Tigas, eh sabi ko natutulog, sabi ng saudi kailangan nya lang para mairecord sa dala dala niyang mga forms, ok kako sandali….

Ginising ko si Boy Tigas at sabi ko kailangan ng Iqama mo at titingnan…..ayun lumabas ng kwarto itong si Boy Tigas at sya naman ang nakipagusap dun sa Saudi at ako naman dahil sa medyo grogy pa itinuloy ko yung tulog ko.

Maya-maya pumasok na si Boy Tigas mga ilang minuto lang lumabas naman ng kwarto. Parang sinisilaban ng sili ang puwet at hindi mapakali. Bigla akong ginising ni Bot Tigas at tinanong ako kung ano ba raw ang sinabi ko dun sa kumukha ng statistics. Sinabi ko yung mga tinanong sa akin, sabi ni Boy Tigas, sa totoo lang daw kasi, tumakas siya sa dati niyang employer sa Riyadh. Kasi daw maliit ang sweldo at pinapunta siya ng biyenan niya dito sa Al Khobar para makaiwas.

Sabi niya kinakabahan daw siya at baka ipasok sa computer yung mga information na kinuha sa amin at makita yung Iqama niya, mate-trace nga naman kung nasaan siya. Tinanong niya ako kung ganun ba raw yun, ma-trace kaya yung Iqama niya.

Sabi ko kung nagreport yung dati niyang employer, sigurado yun. Kasi 100% magre-report sa pulis yung dati niyang employer. Sinabi ko na lang sa kanya na wala kako yun, huwag siyang matakot at wala naman kaso kako yan, dahil statistics lang naman yun. Kasi namumutla ang potek, parang mangiyak-ngiyak eh….LOLs

Sabi niya ngayon daw siya nagsisisi kung bakit siya nagpunta pa dito sa Saudi. Hindi na lang ako sumagot, sa lob-loob ko kasalanan nya rin naman eh, kung hindi siya tumakas sa dati niyang employer hindi sana siya kinakabahan ng ganun.

Ginawa ko nahiga na lang ulit ako……biglang may pumasok sa isip ko, pagisipin ko kaya itong loko na ‘to…..

Nakita ko hindi na makatulog…..Sabi ko, “ibig mong sabihin tumakas ka sa employer mo….???”

“oo” raw.. wag na lang daw akong maingay kahit kanino….

“huwag kang mag alala, walang problema sa akin” kako….

Ang isang magiging problema mo, sabi ko sa kanya…..”Hindi ka makaka-uwi…”

Bakit??? kasi ganito yan….

Ang Iqama niya yung dati niyang employer ang nag file so pag nag expire ang Iqama niya hindi niya maire-renew dahil tumakas nga siya eh….ang isa pa pag expire yang Iqama hindi siya makakakuha ng exit visa, kasi kailangan yun sa immigration para matatakan ang passport niya….kung hindi siya makaka kuha ng exit visa hindi siya makaka uwi….paktay kang bata ka….

Yan ang magiging problema mo kako sa kanya…..importante ang Iqama dahil lahat ng transaction dito sa kingdom ginagamit ang Iqama….

Isa lang kako ang solution mo sa problema na yan…..pumunta siya sa Philippine Embassy at magpadeport siya kung gusto niyang umuwi…kasi no other way. Pagkumuha siya ng exit visa ipe-present niya ang Iqama niya, bago siya bigyan ng exit visa i-check muna yun, siguradong makikita na tumakas siya, kulong ang aabutin niya…..may kasamang hataw pa yun.

Isa pa yun nga lang pag nagpa-deport siya wala siyang maiuuwing gamit, pwera na lang kung ipa-una nya na mga gamit niya…..mahirap ding magpadeport…aabutin ka rin ng buwan swerte na yun, yung ibang nababalitaan ko inaabot ng taon bago makauwi.

Ayan kasi…..tigas kasi ng mukha eh, maagang na karma…

…buti na lang mabait ako yung bang parang isang bagong silang na sanggol na walang kamuwang-muwang…..LOLs

Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 2, 2010

Summer na Summer na !!!!!

Ayan na….pumasok na ang mainit at mahabang………SUMMER !!! (kayo kung anu-ano ang iniisip ninyong mahaba at mainit eh….nyaahhhh !!!!) At dahil sa mainit na ang panahon, hindi natin maiiwasan ang pagkauhaw sa tawag ng laman…..LOLs.

At dahil sa tag init na rin naman, mauuso na naman ang halo-halo…huwaw nami-miss ko tuloy yun. Lalo na yung halo-halo sa may Chowking…..pero da bes pa rin yung halo-halo ni Aling Nita na taga Parañaque, na nagtitinda ng miryenda dun sa kanto ng kalye namin, na kaibigan ko yung anak niyang si Boy Mola, (isipin nyo na lang kung bakit Boy Mola ang tawag….).

Natatandaan ko noong araw, basta pag sapit ng alas kwuatro ng hapon nandun na si Aling Nita sa pwesto niya talaga namang marami rin ang kumakain. Kasi naman sari-saring miryenda ang ibinebenta niya: may lugaw, pansit, ginataan, ispageti na tamis sauce lang yata yun….LOLs at syempre hindi mawawala ang kanyang halo-halo na bilang mo ang laman….nyaaahhh!!! Madalas akong kumain dun nung nagaaral pa ako sa elementarya…hanggang sa magka anak na ako nandun pa rin sya.

Maganda rin siguro ang kinikita niya sa ganun-ganun lang. Nakapagpapa-aral siya ng mga anak niya. Sabi nga ni Villarroyo eh….sipag at tiyaga lang….

Gaya nitong bebot na ito…..at dahil summer nga, siguradong mainit kung maglalako ka ng paninda mo, pero siya…sipag at tiyaga ang puhunan at konting strategy lang eh kumikita daw siya ng $300 a day….biruin nyo yun….$300 a day….eh kung gawin kaya sa Pinas ito…pwede kaya, ano sa tingin nyo?

Teka muna baka gusto ninyong malaman kung ano ang ibinebenta nya…..ang kanyang Lemon Juice…..uu juice lang at dahil nga Summer eh marami ang kanyang customer…..

Yun nga lang siguradong panay lalaki ang customer niya……nyaaaahhhh !!!!!

Ipinaskil ni: ahkong | Abril 28, 2010

Noong Buhay pa si Katarungan at si Hustisya

Noong mga nakalipas na mga taon….nung hindi pa nauupo sa trono ng palasyo si Pandak…buhay na buhay ang katarungan at hustisya sa ating inang bayan…..(kung meron mang senyales na timitigok-tigok eh hindi pa gaanong halat…)

Dahil noong mga taon na iyon ang Executive at Judicial (tama ba?) eh magkahiwalay….ang mga Justices natin eh may mga sariling paninindigan….hindi nabibili, hindi pa mga kurakot.

Gaya nitong kaso ng Sarmenta-Gomez Slay….ang suspect dito si Mayor Sanchez ng Calauan, Laguna. Natatandaan niyo sigurado itong kaso na ito dahil pilit itong pinagtakpan ng gobyerno ni Pare. (Ganun kalakas itong mayor na ito…….)

The following is an article from the Philipping Daily Inquirer dated Nov 09, 2008…..

================================================================

The Sarmenta-Gomez Case
Philippine Daily Inquirer
First Posted 09:32:00 11/09/2008

Filed Under: Crime

MANILA, Philippines -It was the story of Dr. Jekyll and Mr. Hyde come to life. His public image was that of a devout Catholic, while his hidden persona was that of a monster who masterminded what Judge Harriet O. Demetriou later called “a plot seemingly hatched in hell.”

Antonio Sanchez, then mayor of Calauan, Laguna, had a collection of icons of the Blessed Virgin Mary and was often on his knees in church. This, he had insisted, was proof that he was innocent in the rape-murder of Eileen Sarmenta and the murder of Allan Gomez, both students of the University of the Philippine Los Baños (UPLB).

Star witnesses Aurelio Centeno and Vicencio Malabanan, a member of Sanchez’ security team, admitted having abducted Sarmenta and Gomez, but denied any involvement in the rape of Sarmenta and the twin killings that followed.

In court, Centeno and Malabanan recounted that on June 28, 1993, they were driving around in an ambulance with George Medialdea (then the Deputy Chief of the PNP Calauan), Zoilo Ama, Luis and Rogelio Corcolon, Pepito Kawit and Baldwin Brion. Their purported mission was to arrest a notorious gun runner and drug pusher, but Luis Corcolon later revealed that they were to pick up a “a pretty young lass long desired by the Mayor and offer her to him as a gift.”

After cruising around the UPLB campus, they found Eileen and Allan in a parked Tamaraw van at the Agrix complex, and abducted both students at gunpoint. Centeno, who drove the ambulance, claimed that all the while Medialdia was reporting by radio to a man he addressed as “Boss,” later identified as Mayor Sanchez. They proceeded in the two vehicles to Erais Farm in Barangay Curba, owned by Sanchez, where the students were bound and gagged.

When Sanchez arrived, Luis Corcolon presented the girl to him, saying, “Mayor, this is our gift to you, the girl you’ve been longing for.” Corcolon also explained that they had to seize Allan as well “to avoid complications.”

Eileen was taken to the Mayor’s room while Allan was beaten up by the Corcolon brothers, Ama and Medialdea. At around 1 a.m. the next day, a weeping Sarmenta—hair disheveled, mouth covered by a handkerchief, hands still tied and stripped of her shorts—was dragged out of the resthouse by Luis and Medialdea. Sanchez, clad only in a white shirt, appeared and thanked Luis and Medialdea for the “gift,” and said, “I am through with her. She’s all yours.” The students were then loaded in the van, followed closely by the ambulance.

On the way to Calauan, a gunshot was heard from the van. Then the vehicle pulled over and Kawit dragged Allan, whose head was already drenched in blood, onto the road and fired again with his armalite. Later, in a sugarcane field in Sitio Paputok, Eileen was gang-raped at the back of the van by the Corcolon brothers, Medialdea, Ama, Brion and Kawit. Luis Corcolon later shot her with his baby armalite. Everyone then boarded the ambulance and proceeded to Calauan, leaving the Tamaraw van into which they had loaded Eileen’s body.

The bodies of the two students were found the next day by teams that ironically included the very perpetrators of the crimes. Initial investigations led by Medialdea pointed to Kit Alqueza as the prime suspect, with the theory that the son of Gen. Dictator Alqueza had wanted to get back at Allan Gomez after the latter began dating Alqueza’s former girlfriend.

A break in the case came when Centeno and Malabanan turned state witness. Their testimonies became the basis for the arrest of Sanchez on August 13, 1993.

Other evidence presented were the M16 empty bullet shell recovered at the site where Allan’s body was found and the metallic fragments from Eileen’s body, which were traced to the rifle surrendered by Luis Corcolon.

After a 16-month trial, on March 11, 1995, in a 132-page decision, Judge Demetriou of the Pasig City Regional Trial Court Branch 70, found Sanchez, Medialdea, the Corcolon brothers, Ama, Brion and Kawit guilty beyond reasonable doubt of the crime of rape with homicide on seven counts.

On January 25, 1999, the Supreme Court affirmed the decision of the RTC. On August 29, 1999, Sanchez was given a double life term by the Supreme Court for a different case. Together with his seven life terms for the Sarmenta-Gomez rape-slay, Sanchez will have to spend at total of 360 years in jail. (Schatzi Quodala, Inquirer Research)

==================================================================

‘Di ba? Buhay na buhay ang hustisya….yun nga lang inabot din ng taon bago naparusahan ang dapat managot, pero at least nabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga biktima…..

Ngayon ang tanong ng marami sa atin…….

“Ano kaya ang mangyayari sa Maguindanao Masaker?”, ganitong ang Pandak sa palasyo eh malawak ang saklaw ng kapangyarihan, pati ang mga betlog ng mga Justices eh hawak yata ni Pandak.

Sana dumating ang araw ng Katarungan at Hustisya para sa mga biktima ng krimen na yon para naman mabigyan ng kapayapaan ang mga naulilang pamilya.

Ipinaskil ni: ahkong | Abril 20, 2010

Huling Hantungan

Eto mga prens, napag uusapan lang naman…..

Alam naman natin na lahat tayo eh matitigok….lahat dun ang punta natin. So paano ba natin maihahanda ang sarili natin kung sakali?

Sa akin, uunahin kong ihanda yung para sa mga maiiwan ko. Syempre importante yun, kawawa naman sila pag bigla na lang akong kunin. Maganda yung kahit paano eh alam kong kahit mawala ako eh nasa maayos pa rin sila.

Pangalawa syempre, kailangan handa na ang aking hihigan…..uu ngayon pa lang nagpa -reserve na ako ng aking magiging higaan…….

Oh diva???? Kompleto yan….at siguradong hindi tayo mawawalan ng communication pihadong palagi akong naka-online nyan……

Lagi ko kayong makakausap kung saka-sakali..hindi lang yun….mabibigyan ko pa kayo ng balita kung ano na ang nangyayari sa akin….yun nga lang eh hindi ko sigurado kung sa langit ba ang punta o sa impyerno…..

Ipinaskil ni: ahkong | Abril 20, 2010

Huuuwaahhhh!!!!!!

Taena bad trip, pre…..!!!!

Nagloko na naman ang pc ko…..biglang namatay tapos kusang nagbu-boot. Isa lang ibig sabihin nun, sira ang RAM ko. Kaya pinalitan ko ng 256mb na RAM.

Ayaw pa rin…..ginawa ko, sa inis ko nireformat ko ulit ang drive C:

Pagkatapos ng mahaba-habang hintayan eh natapos din…ayus….ok na, pero ang isa kong problema….ayaw mag boot. Hindi mabasa ang Hard Drive…pero pag nilagay ko yung XP installer tapos nagbu-boot siya gamit yung CD hindi sa HD.

Check ko yung floppy drive baka may nakasalpak na ebak…este….floppy disk, wala naman….check ko yung BIOS ok naman ang config.

Maya-maya sinubukan ko ulit buksan, nilagay ko yung XP Installer sa CD ROM….anak ng teteng na yan….may inconsistencies naman sa isa sa mga disk….so nag check disk siya kusa….kaso hindi niya natapos dahil nag error naman…..hanubatuuu!!!!!!

Sinubukan ko ulit i-reformat ang C:……..ayun…..ayaw na !!!!!

AMPOTEK na yan !!!!

Meron pa akong isang option, papalitan ko ang HD baka sira na yun Hard Disk ko….pag hindi pa naayos…itatapon ko na lang tong pc ko sa dagat at ng mapakapitan ng tahong at talaba para mapakinabangan…….buset na yan….ala tuloy akong magamit sa bahay.

Bibili sana ako ng laptop..ang daming mura dito ngayon ang probelam ko lang ala akong pambili…..huwwaaaaahhhhh !!!!!!

Ipinaskil ni: ahkong | Abril 15, 2010

Maskulangots

Pa-kiss nga papa…!!!!

ahahahahhhhaaayyyyyy !!!!!

Ipinaskil ni: ahkong | Abril 8, 2010

Ang gusto kong Presidente

Tutal hot na hot topic ngayon ang President….hindi si Pandak ha?!!! Hindi hot yun…kahit Hot Mama…di rin papasa sa panlasa ko yun….buti pa si Madam Auring….(uwwwaaaarrrrkkkk !!!!!)

Eto eh napag uusapan lang naman mga tropapips….sabi nga ng tropang kulangot ano ba raw ang dapat na maging Presidente…iyon bang matatawag na talagang malaki ang maitutulong sa ating Inang Bayan.

Isipin ko raw mabuti at tingnan ang mga ating mga kandidato sa pagka panguluhan…..ako naman eh napaisip nga rin…..

Sabi ng tropang kulangot….pagsama samahin ko lahat ang kandidato..iyon ang pinaka da bes na maging pangulo ng ating bansa….!!!!

“Paano…???” ang tanong ko….

Ganito raw yon……Lahat ng mga katangian ng mga presidentiables eh kunin natin at ilagay natin sa pinaka best presidential candidate….

Gibo = Brains

Villar = Money

Noynoy = Honesty

Villanueva = Faith

Erap = Charisma

Gordon =  “DICK !!!”

Naisip ko…uu nga no….Kung lahat ng katangian na yan eh nasa sa isang kandidato malamang iyon ang manalo…..san kaya natin makikita itong tao na ito…???

“Wak na ikaw hanap…ako dito na !!!!”

« Newer Posts - Older Posts »

Mga Kategoriya